Chapter 4

6 1 0
                                    


Rae's POV

Today is Wednesday, 2 days since Jaxx left me in Bulacan for some sort of emergency. And till now hindi pa rin kami nagkikita and I haven't heard of him since Monday. 

It's math time pero walang pumapasok sa isip ko. Tinititigan ko lang yung prof ko na nasa unahan, I am clearly spacing out in the middle of the class.

Habang nakatulala ako at lutang na lutang biglang bumukas ang back door ng classroom, lahat kami nagulat pati ang prof namin na nagtuturo napahinto dahil sa taong pumasok sa room.

It's none other than Aldric Jaxx Perez.

Tuloy tuloy siyang pumasok sa room, dire-diretso sa upuan niya. Sa likod ko lang siya nakaupo kaya kitang kita ko ang itsura niya ngayon.

Sugat at pasa ang una kong nakita sa iba't ibang parte ng mukha niya. Mukha din siyang pagod na pagod na parang ang daming pinagdaanan sa nakaraang dalawang araw.

Agad ko siyang kinunutan ng noo and I gave him that 'what happened' look. But Jaxx didn't even answered me. 

I checked his temperature because he looks sick. And to my surprise, he's burning in fever.

Nakahinto pa rin ang lahat at nakatingin kay Jaxx. Nilapitan ko ang prof ko sa para magpaalam na pupunta kami ni Jaxx sa clinic at agad naman itong pumayag.

Lumapit ako kay Jaxx at saka siya hinawakan sa braso para hilahin papuntang clinic, alam kong hindi 'to pupunta doon ng mag-isa. Nagpahila naman siya sakin hanggang sa makalabas kami ng room pero pagdating sa hallway habang naglalakad kami bigla nalang niyang tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa kaniya.

"What? Tara na sa clinic, don't worry ako aasikaso sayo hindi yung nurse" i assured him, he don't want others to treat him in times like this.

"Ayoko, wala lang 'to Rae, tara na." sinubukan niya akong hilahin pabalik sa classroom.

"Jaxx naman, inaapoy ka ng lagnat tapos puno pa ng sugat at pasa yang mukha mo. Paanong naging wala lang 'yan?" 

"Rae, please. Let's go" 

"No. We are not going back  sasama ka sakin sa clinic ngayon Jaxx. Don't be so stubborn. Ako naman ang aasikaso sayo at hindi ang nurse."

"Rae-"

"Jaxx, please. Gagamutin lang natin iyang sugat mo tapos sige hahayaan na kitang bumalik sa room kahit pa inaapoy ka ng lagnat mo"

"Fine. Let's go" Diba, wala rin siyang nagawa kundi pumayag. 

So we went to the clinic, the nurse is shocked to see Jaxx's wounds and bruises. She asked me to return to the classroom but I insisted to stay. Just like Jaxx, she gave up in the end and just let me stay in the clinic until lunch.

"Tssss, Rae, dahan dahan." reklamo ni Jaxx habang ginagamot ko ang bangas niya sa cheekbone niya.

"Dito nagrereklamo ka, pero nung nakikipagsapakan ka wala kang iniinda. Tama ba?"Hindi na niya ako sinagot dahil alam niyang lalo ko lang siyang susungitan kung panay ang reklamo niya.

Si Jaxx at si kuya yung mga lalaking ang angas angas sa sapakan pero grabe magreklamo sakin kapag nadidiinan ko yung sugat nila kapag gamutan. Sabagay sakin lang naman sila nagrereklamo kasi ako lang palagi nandyan pagkatapos ng kaguluhan.

Matapos kong gamutin yung mga sugat ni Jaxx, napilit ko din siyang mahiga ng kahit sandali lang sa  clinic. Sa sobrang sama din siguro ng pakiramdam niya, nakatulog na siya.

Lumabas lang ako ng Clinic para pumunta sa cafeteria, nagugutom na ako kasi hindi ako nakapagbreakfast kanina. It's lunch time and Jaxx is still asleep so i've decided to eat lunch with Makayla.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

By His Side (ON- GOING)Where stories live. Discover now