Rae's POV
Nagmumuni muni ako sa kwarto ko, weekends at wala akong magawa nakatulala, naghihintay ng himala charot! HAHAHA gusto kong gumala-- alam ko na yayayain ko si kuya mamaya sa mall kunwari may bibilhin ako pero syempre wala talaga.
"Hoy panget bumaba ka na daw , handa na ang breakfast." Speaking of the panget, ako talaga tinawag nyang panget ha! Wow talagaaa! Talaga naman!
"Ako panget kuya? Pagkakaalam ko kakambal ng salitang panget ang Archer"
"Rae, Alam mo din bang ang kuya mo ay habulin ng chicks.Kaya tell me pano mo nasabing pa--"
"Rae, Archer, baba na..." sigaw ni mama na nakapagpatigil sa panget kong kapatid
"Hindi pa tayo tapos Rae ah!"
Tignan mo tong lalakeng to sya una nang-asar tapos ngayon pikon, asar talo talaga eh.
Nauna ng bumaba si kuya kasunod naman nya ako, pagkaupo ko sa lamesa kumuha na ako ng pagkain, habang kumakain kami may naalala ako
"Kuya" tawag ko sa kanya
"Hmm?" Sagot nya habang ngumunguya
"Samahan mo ko mamaya sa mall"
Uminom muna sya bago sumagot sakin "bakit, ano gagawin don?"
"May bibilhin lang ako, hindi ko kase maaya si Jaxx, pano ba naman hindi sinasagot nung ugok na yun yung mga tawag ko kaya ikaw nalang niyaya ko"
"Oo na sige mamaya, mga 11 tayo umalis. Maaga aga pa naman" haaa! Akala ko di ako pagbibigyan ng panget na to eh. Gumana ang charm mo Rae HAHAHAHA.
Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Papunta na dapat ako sa damitan ko para mamili ng isusuot nang biglang mag ring ang phone ko
Aba! Himala! Tumatawag si Jaxx. Ano kaya nangyari sa ugok na to hindi nagparamdam simula kahapon.
[Hoy ugok ka, anong nangyari sayo at--]
[Rae, punta ka dito,please?] Huh? Biglaan boi pagkatapos mong di magparamdam ng isang buong araw ha
[Rae? Sige na] dagdag nya pa
[Di ka nagparamdam tas bigla kang nag aaya dyan ngayon] Pero bakit ganun hindi maganda pakiramdam ko. Out of nowhere kase nag aya sya may nangyari kaya kahapon?
[Rae, i-I need you now] ay! Taray tama ang instinct ko may nangyari nga
[Sige,pupunta na ako] sabi ko at narinig ko naman na binaba nya na ang tawag kaya nagmadali na akong mag ayos.
Buti nalang nakaligo na ako kanina bago magbrekfast kaya mabilis akong nakapag ayos ng sarili ko.Nang matapos ako, dali dali akong lumabas ng kwarto at bumaba naabutan ko naman si mama sa Sala.
"Ma pupunta lang po ako kila Jaxx" pagpapaalam ko kay mama at dahil kilala nya naman si Jaxx, tumango naman sya agad kaya lumabas na ako, paglabas ng pinto nakita ko pa si Kuya na nakatayo parang kakatapos lang makipag-usap sa cellphone
"Rae,saan punta? Sabi ko 11 pa diba?"
"Kila Jaxx kuya"
"Bakit anong meron?" Napakadami talagang tanong neto hay nako
"Eh basta, hatid mo nalang ako para di na ako maghintay ng sasakyan"
"Oo na nga, sige na Tara na!"
YOU ARE READING
By His Side (ON- GOING)
Acak"Just this once, answer me. Why can't you love me back?" "I can't love you. I just dont know how" And with those words he left. *********