CHAPTER 7

9 0 0
                                    

Medyo matagal ang byahe. Hindi ko tuloy matandaan kung ilang butil ng laway ko na ang tumulo.

'Lintik na byahe to, sobrang lapit nga!

"Nabanggit saakin ni Zen na naibanggit mo sa kanya ang tungkol sa hilig ko sa Silent Sanctuary, napaka bungangera mo talaga!" Bungad sakin ni Buenno ng mag-umaga habang kumakain kami.

'Aga aga, zen nanaman!'

Bulyaw ko sa isip ko.

"Eh ano naman? nagtanong siya, sinagot ko lang naman"

"Kahit kelan ka talaga" nauubusan ang pasensyang tugon niya.

Di na ako umimik, tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Matapos kong kumain nag sipilyo at saka nagsimulang lumabas ng bahay.

Bigla akong napahinto.

'May schedule pa ba kami ni Zen ngayon? Hayst ayuko sana, pero mas ayukong pumasok ng klase.

"Anong oras mo ba balak pumasok ng eskwela at tatayo tayo ka pa jan?"

Napalingon ako sa likuran ko ng magsalita si Buenno.

'Bugnutin amp! Hay kung hindi ka lang matanda, tinadyakan na kita!

"May iniisip kasi ako"

"At ano naman?"

"Ikaw" saka ako nagpamunang maglakad at pumara ng masasakyan.

Hindi na ako naghintay pa ng matagal, isang taxi na kaagad ang dumaan nang pumara ako.

"Aeiou!!" Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

'Mairen?

Hindi naman ako nagkamali.

"Ano bakit?!"

Inis na singhal ko. Lumapit siya saken at saka isinabit ang sariling kamay sa braso ko.

"Ano bayan! Ang aga aga nakabusangot ka!" Nakangusong ani nito.

Mabilis ko namang inagaw ang kamay ko at saka naglakad ng mabilis palayo sa kanya.

'Kailangan kong makapag-isip ng paraan para hindi ako makapasok at hindi makasama ang bwesit na baklang yon!

'Ano ka ba naman aeiou! Mag-isip ka naman'

Papasok na sana ako ng gate ng may kung ano ang nagpaatras ng paa ko palayo dito. Namalayan ko ang sarili kong tumatalikod at lumalakad palayo sa gate ng school.

'Saan naman kaya ang punta ko?'

Tanong ko na lang sa sarili ko.

Huminto ako sa paradahan at doon pinara ang dumaang jeep. Pansin ko ang mga matang nakamasid sa akin nang sumakay ako. Papuno na ang jeep, tanging sa huling upuan malapit sa bungad ng jeep na lang ang natitira, doon narin ako naupo.

Sa harapan ko nakaupo ang mag nanay. Kumakain ang bata ng cotton candy habang ang ulo ng ina ay tulog na nakasandal sa balikat nito.

May kung anong lungkot at pagkainggit ang nabuo sa akin habang minamasdan sila. Nakatutok lang ang atensyon ko sa batang di man lang nagkaroon ng pangamba na baka isang bukas wala na siyang inang sasandal sa balikat niya.

Nabalik na lang ako sa katinuan ng biglang huminto ang jeep at maumpog ang ulo sa bakal ng pintuan nito. Dahilan para magising ang ina at konsultahin ang anak.

Kita ang kaba sa reaksyon ng ina habang minamasdan ang anak. Tanging inosentong ngiti lang ng musmos ang tugon ng bata dito, bagay na nakapagpakampante sa ina.

No Boyfriend Cause I'm Secretly BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon