"Ano hindi mo man lang ba ako ililibot dito? Respeto naman sa outfit ko teh! Pakipasada naman" Iritableng usal ng bakla, palabas kami ng Bettambayan.
Panay lang ang sipsip ko ng shake na natira ni Zendrex.
'Pagaya gaya ng Melon Shake! di naman pala umiinom ng Melon! Tadee!
"Diba?" Tanong ni Zendrex sa akin. Napamaang naman ako habang iniisip kung may sinabi ba siya. "Punyeta? Ano?!"
"Ha? Anong ano?" tanong ko din.
"Lente? Kanina pa ako salita ng salita dito day!" Tinarayan ako nito.
Pinilit kong sisirin ang tenga ko kakaisip, inaalala ko kung may narinig ba ako o wala, napabuntong hininga na lang ako ng wala akong maalalang may narinig ako.
"Sisihin mo tong Melon Shake, binibingi ako sa sarap!" Nakangiti kong itinapat sa paningin ko ang Melon Shake. Napasimangot na lang ako ng kunin niya yon at itapon sa basurahan.
"Kanina kapa sipsip ng sipsip niyan, e ice na lang din naman!" mataray pang aniya.
"Pake mo ba?! Sayang e!" Nakangusong tugon ko. Umiling ang bakla.
Naglakad kami sa kalsada ng Dayuhan. Minamasdan lahat ng sumasagi sa paningin namin. May mga tao ding napapansin kong tumitingin sa amin pero di ko na lang pinansin.
Napahinto na lang kami ng makarinig kami ng ingay. Ingay na paborito ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Zendrex para hilain papunta sa 123. Bagay na kinagulat niya."Hoy! Saan tayo?!" hindi ko pinapansin ang pinagsasabi ni Zendrex. Panay lang ang paghatak ko sakanya, at pagtabon narin kapag sumisingit kami sa mga tao. Baka mabastos e, ang iksi panaman ng suot. "Teka! Kamelya ba yon?" dinig kong tanong ni Zendrex ng makaupo kami.
"Mm! Kilala mo?" Tanong ko
"Oo syempre! sinong di makakakilala jan e sikat yan e!" Bahid ang paghangang aniya saka siya lumingon at itinuon ang atensyon sa stage. Di na ako umimik, tumingin na lang din ako sa stage.
Isa ang Kamelya sa mga sikat na banda sa pilipinas. Sila yung tipo ng sikat na walang kantang di saulado ng mga tao. Minsan nga napapalingon na lang ako pag may naririnig akong mga tao na kumakanta o di kaya nagpapatugtog ng kanta nila. Hanep diba?
"Sabihin mo kung ako pa ba,
kung ako pa ba ang gusto mo
kung ako pa ang mahal mo" napalingon ako kay Zendrex ng sabayan nito ang huling linya ng kanta. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya kaya't tinaasan niya ako ng isang kilay. "Bakit?"Umiling lang ako. "Maraming salamat po sa mga pumunta! Marami pa kaming kantang inihanda, siguro abang abang na lang muna haha!" Sabi sa Micropono ng Head singer ng banda, si Patric. Yumuko pa ang grupo saka bumaba ng stage.
"Uy! Aeiou!" Naitaas ko ang tingin ko kay Patric ng lumapit ito sa upuan namin. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Uy Pat!" Tumayo ako saka nakipag kamao sa kanya.
"Long time No See Ai!" Si Frank, Guitarist nila. Nakipagkamao din ito sa akin saka sila naupo sa table namin.
"Miss na miss tol?" biro ko natawa naman sila. Napamaang ako ng mapansin kong anim lang sila ngayon.
"Oh! Kulang ata?""Ah si Von?" inilapit ni Frank ang mukha niya sa akin. "May Date!" Bulong niya. Natawa naman ako.
'sila padin kaya?tss pake ko
"Kingina yan Ai, di parin move on?" Naibaling ko kay Beryl ang atensyon ko ng magsalita ito. Bahid ng pang-aasar.
"Kingina mo?" Tugon ko naman lalo tuloy sila humagalpak ng tawa.
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Cause I'm Secretly Boy
Short StoryA Love story of two people that both live in a world where Rainbow Flag is accepted equally.