"Hanap mo'ko?"
"Ay pastilyas na sinabawan!" Lumingon ako sa likod ko. "Asan ka galing?"
"Gulat na gulat teh?"
"Asan ka galing?!" nilaksan ko boses ko.
"Nag Re-touch, you know Girls thing!" Nagkibit balikat siya saka umupo sa tabi ko. "Anyways, nagtaxi nga lang pala ako" Kumaway siya sa ere para tumawag ng waiter. Agad namang lumapit ang isang waiter. "Beer mga lima? sige lima!" nang makalayo ang waiter saka siya bumalik ng tingin sa akin. "Oh ano? andito na ako wag kana mag-alala jan"
"Alala mo mukha mo!" Singhal ko saka nag-iwas ng tingin.
"Oh ano isa pa?" Naibalik ko ang tingin sa stage ng maramdaman ko ang boses ni Patric sa Mic.
"More! More!More" Hiyawan naman ng mga audience.
"Hahaha sige pagbibigyan natin yan" Naghiyawan ulit sa tuwa ang mga tao. "Itong next song namin ang compose ng isa myembro ng Kamelya. Isa talaga siya sa original na myembro ng grupo pero mas piniling mamuhay ng normal"
"Whoah sino kaya yon?"
"Omy I'm so excite"
"Member Revealed na Idol!"
Sunod sunod ang naging response ng mga audience. Diko na lang pinansin. Nilingon ko si Zendrex na abala sa pagtungga ng beer na kadarating lang.
Maganda siya. Sa mga araw na magkasama kami, ngayon ko palang siya natignan sa malapitan. Tama lang yung tangos ng ilong, sobrang kinis ng balat, may mahahabang pilik mata, medyo makapal na kilay, mapang-akit na labi at makapal at makintab na buhok.
"Ang aming the one and only vowel, Please Welcome, Aeiou"
Diko tuloy maiwasang mag-imagine ng posibleng itsura niya kung sakali mang lalaki siya. Gusto kong mag-isip ng reason kung bakit pinili kong maging bakla?
'Medyo sayang!
"hoy teh! Magsabi ka nga, may gusto ka ba sa akin?" nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Zendrex.
"Grabe namang kapal ng mukha mo!" Protesta ko.
"Kanina kapa tinatawag oh! Puro ka titig saken!"
"Ha?"
"Ayon oh!" itinuro niya ang stage. Nakatitig ang anim sa akin na para bang hinihintay ako. Napamaang ako ng mapansing nasa akin din ang atensyon ng ilan sa mga audience.
"Bakit?" naibalik ko kay Zendrex ang atensyon ko.
"Kakanta ka ata?" nagkibit balikat siya.
"Ano?!" Singhal ko. Napalingon ako kay Patric, nang-aaya ang tingin. "Bakit ako?" bumulong ako umaasang maiintindihan niya ang sinasabi ko. Tumango siya. Naibaling ko ang tingin sa mga audience, nanghina ako ng makitang naghihintay sila.
Napapahiya tuloy akong tumayo at naglakad sa Stage. "Sinamahan lang pala ha" Pang-aasar ni Frank ng makaakyat ako.
"Kamusta ang date?" Nakangising asar naman ni Yasser.
"Deponggol!" bulong ko, nagtinginan pa ang dalawa saka sabay na tumawa.
Naghiyawan ang mga tao ng makatapat ko ang mic at hawakan yon. Nabuohan ako ng kaba nang sumagi sa paningin ko si Zendrex. Nakatingin lang siya akin habang umiinom ng beer.
"Ano ready ka na?" nalingon ko si Patric ng bumulong ito. Huminga pa ako ng malalim, tumingin kila Yasser saka tumango. Senyales na ready na ako. Inayos ko pa ang pagkakahawak sa Mic saka umayos ng tayo.
BINABASA MO ANG
No Boyfriend Cause I'm Secretly Boy
Short StoryA Love story of two people that both live in a world where Rainbow Flag is accepted equally.