"LIHIM NA PAGTINGIN"
Sa dami ng mamahalin
Sayo pa napatingin
Aking damdamin
Sayo lang magpapaalipinSa tagal na magkasama
Ngayon lang napagsamasama
Na ikaw pala ang tama
Na ikaw...ang gusto kong makasamaAko'y nawala sa malay
Di inaakalang ikaw ang nagbigay kulay
Sa puso kung di na makagulapay
At ngayo'y nagsisilbing gabayMarahil noon hindi ko matanaw
Ngunit ngayo'y nakikita na ng malinaw
Ikaw pala...ang nagbigay ilaw
Sa puso kung nawalan na ng tanglawIkaw pala ang taong kaibig-ibig
Na sa puso ko'y nagsilbing magandang himig
Ikaw....ang kaibig-ibig
Na sa pagkatao ko'y nagtanggal ng lamigMahal na kaibigan ikaw ang nais mahalin
Natatakot na baka iyong supilin
Ating samaha'y liparin ng hangin
At pagkakaibigay unti-unting wasakinKaya damdami'y ililihim
At itatago sa dilim
Ngunit pag-ibig sayo'y taimtim
Ipaparamdam sayo ng palihim