APAT

9 1 0
                                    

"TULA NG IYONG MANLILIGAW"

Gamit ang libo-libong salita
Nais ko sayong ipakita
Ang aking pagiging makata
Para masabi sayo ang tatlong salita

Nais kung ipakita ang pag-ibig kung tapat
Gamit ang malinis na papel at mumurahing panulat
Sa materyales man ay salat
Ngunit ang pag-ibig ko sayo ay magiging sapat

Isama mo pa ang rosas na pula
Na simisimbolo sa natatangi mong ganda
At ang tsokolateng matamis
Na nagbibigay sayo ng ngiting aking ninanais

Aking pilit sinasaulo
Ang isang kaaya-ayang lireko
Na magpapatibok sa iyong puso
Na magbibigay sa akin ng matamis mong oo

Haharanahin kita sa iyong tahanan
Maipahayag lang sayo na ikaw lang ang aking kailangan
Ihahatid sundo kita sa iyong tahanan
Mairamdam lang sayo kung paano ingatan

Binigyan kita ng mga sulat
Na maglalahad sayo ng pag-ibig kong tapat
Ganyan kita kamahal
Isipin man nilang ako'y isang hangal

Ngunit mas pipiliin ko ng maging hangal
Maiparamdam lang sayo kung gaano kita kamahal
Sana ay tanggapin mo ang aking sinseridad
Kahit hindi agad-agad

Sana'y iyong magustuhan
Ang tulang aking pinaglaanan
Sapagkat hindi ko masabi ng harapan
Ang tunay kong nararamdaman

Para sayo aking binibini
Na nagbibigay ng kahulugan sa aking sarili
Sana'y hayaan mo akong ika'y mahalin
Kahit sa sulyap at tingin

Poem of Love Where stories live. Discover now