ULAN
Ang mapuputing ulap ay dumidilim
Ang kulog at kidlat ay tumatalim
Ako'y namamanhid,isip ko'y malalim
Ang hapdi sa puso ko ay tumatanimButil ng ula'y isa-isang pumatak
Ang puso ko'y tuloyan na ngang nawasak
Buhos ng ula'y naging talim ng itak
At ang tanong sa isip ko'y lumalawakNasan na ang pangako mong walang hanggan
Tila bang naagos sa buhos ng ulan
Ako ay nanlalambot at nahihikbi
Tulad ng langit na nananalamhatiMinasdan ko ang lungkot ng kalangitan
Ang puot ko'y umabot na sa kariktan
Dama ko ang patak ng kapighatian
Luha sa aking mata ay kakikitaanMahal ko, tuluyan ka na ngang lumisan
Nakatayo ako sa gitna ng ulan
Dinadama ang sakit ng kabiguan
Lunas sa puso ko'ybigyan ng paraanSana sa muling pagsikat ng liwanag
Ngiti sa akin ay muling mamayagpag
Dumadalanging sa pagtila ng ulanSana ika'y akin ng nakalimutan
Quotes from your Author:
I give you a chance just to prove yourself again
Not to break my heart again