LARAWANG KUPAS
Isang larawang kupas ang aking tangan
Larawang sagisag ay ang nakaraan
Larawang kahit sumabay sa panahon
Ang pagsintang tapat ay di naglaonKahit ikaw sinta'y tuluyang naglaho
Pag-ibig mo'y tuluyan na ngang natuyo
At pagasa'y waring nabasag na paso
Asahan mong sayo lang aking pusoAko man ay maging isang buto't balat
Buhok ko man ay tuluyan ng malagas
Asahan mong pag-ibig ko sayo'y tapat
Maghihintay ako sayo hanggang wakasIto mang larawa'y tuluyang matunaw
Ako man ay hindi na makagulapay
Ang nakaraan ay hindi mapapanaw
Sa akin ikaw ang nagiisang gabayTanging hiling sana'y iyong balikan
Ating nakaraang di matatawaran
Pagsinta mo'y salamin larawang kupas
Tuluyan na ngang nagbago at lumipasQuotes from your Author:
I was the prisoner in my own jail of past...To my beloved readers thank you sa pagsuporta sa aking book... sorry kung medyo natagalan ang paguupdate but I hope you like it... And please... Paki vote kung gusto nyo magcomment pwede rin... Thank you sa walang sawang pahihintay sa paguupdate...
LOVE YOU
❤❤❤❤❤❤❤❤