Realize (Michael’s POV)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Michael’s POV
Typing: Text nalang kita mamaya. I love you baby.
With kiss mark pa and smiling face ko pa iyong sinend kay Mandy. Oo, kami na ulit. Nung may something pa lang sa min ni Anne, nagkakatext na kami ni Mandy. Masaya naman ako kay Anne eh. Masayang-masaya. Gusto ko naman talaga sya. Gustong-gusto pa nga. Alam nyo yung feeling na gustong-gusto mong pumasok para lang makita sya? Tas yung pag andyan na sya, nahihiya ka. Ako kasi si Michael, pogi ako, madaming nagkakagusto sa king babae at oo, pa-fall ako. Hindi ko nga alam kung pano nila nasabi sa kin yun. Masyado kasi akong sweet sa mga babae. Madami din akong kaibigang babae. Lagi akong sweet sa kanila. Minsan din, ganun ako sa mga ka-classmate kong babae. Normal lang naman sa kin ang pagiging sweet. Wag sana nilang bigyan ng meaning ang lahat ng ginagawa ko.
Habang naglalaro ako ng dota 2, hindi ko maiwasan ang hindi maisip si Anne. Alam nyo yung binalikan ko si Mandy dahil mahal ko sya tas iniwan nalang si Anne? Masakit din naman sa kin yun. Nang-iwan ako ng tao sa ere.
“Michael, ba’t wala si Anne dito?” Tanong ni Aaron. Oo nga pala, hindi pa pala nila alam na nagkabalikan na kami ni Mandy. Hindi ko nalang sinagot ito at binalik ang atensyon ko sa paglalaro.
Pero unti-unti akong nakaramdam ng pagkalungkot. Dati-rati, may nakasandal sa balikat ko tuwing naglalaro ako, may hihimas sa buhok ko, may aakbay sa kin at may yayakap sa kin. Napabuntong-hininga ako. Mali to. Mahal ko si Mandy. Binalikan ko nga sya di ba? Pero bakit ganon? Ugh. Makapaglaro na nga lang.
--
Sabado ng umaga. November 22. Nakahiga ako at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Isang buwan at magi-ilang linggo na kami ni Mandy nung nagkabalikan kami. Kahapon ay andito sya sa bahay namin. Buti nga at wala ang parents ko. Ang dami pa naming litrato. Ang saya lang. Halos magkapit bahay lang naman kami kaya baka mamaya, pumunta ulit sya dito.
Kinuha ko ang phone ko para mag-twitter. Hindi ko alam kung bakit pero sinearch ko ang username ni Anne. Yes, I’m stalking her. Hindi na kami nagkakasama, nagkakatext o nagkakapansinan man lang sa room. Ni-hindi nga sya natingin man lang sa direksyon ko. Samantalang ako, palaging nakatingin sa kanya. Alam nyo yung feeling na gusto mo palagi mo syang makikita? Ayaw mong mawawala sya sa paningin mo. Tas ayaw mong may mangyari sa kanya. Yung ganon ba.
Pogi talaga ni Shawn Mendes.
Hi Adamson or FEU.
Na-wrong send pa. Kainis. HAHAHA
At Ted’s.
Boom panes! HAHAHA
Ayan ang mga nakita kong tweets ni Anne. Halos araw-araw kong tinitingnan ang mga tweets nya. Pero ni-minsan, hindi sya nag-tweet ng kung ano tungkol sa nangyari sa min. Actually, ine-expect ko na magtu-tweet sya ng,
![](https://img.wattpad.com/cover/28359252-288-k985069.jpg)
YOU ARE READING
Realize
Non-Fiction[TRUE STORY] "And they wonder why they both walked away that time..." Book Cover by @AngDyosangManunulat