Realize (Anne's POV) Part 2
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Anne's POV
"Kamusta na kayo ni Michael?" I just shrugged on Elliah's question. Anong isasagot ko? Wala na ulit kami? Na 2 weeks lang tinagal namin?
"Balita ko sila na ulit ni Mandy ah." Pait akong ngumiti. Malamang babalik sya don. Ayun naman talaga mahal nya eh. Pampalipas oras nya lang ako. Tama naman ako di ba? Kahit nga yata sinong mga babae ang maghabol sa kanya, kay Mandy pa din sya. Wow, iba talaga pag first love.
"Balita ko din." Sagot ko dito. Binalik kong muli ang atensyon ko sa pag-aayos ng mga books at notebooks ko sa locker ko.
This week, wala akong ibang ginawa kundi ang magpanggap na masaya sa harap ng mga taong nakapaligid sa kin. But inside, fvck, I'm dying. Gusto ko nalang maglaho ng parang bula. I want to walk away and leave everything behind. Pero ang sakit lang kasi hindi ko kaya. Ang sakit sakit na. Napapagod na ko magpanggap na masaya.
"Michael at Mandy na ulit ah?" Tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Michael, "Bakit mo binitawan kaagad, Anne?" I stunned for a moment.
Humarap ako kay Jun, "Pag nabibigatan ka na, bitawan mo na."
"Kung mahal mo, ipaglalaban mo."
Ngumiti ako, "Paano ko ipaglalaban ang isang taong naguguluhan sa nararamdaman nya? Paano kung ipaglaban ang isang taong hindi maka-let go sa past nya? Tao din ako, Jun. Nakakaramdam ng pagod. Hindi ako pinanganak ng nanay ko para lang iwanan tapos babalikan. Binitawan ko sya kasi alam kong mas mapapasaya sya ni Mandy. Wala naman akong laban sa first love. Magkakilala na sila mahigit ilang taon na. Samantalang kami, ngayong taon lang nagkakilala. I understand Michael's choice. Masaya ako para sa kanila ni Mandy."
Hinawakan ni Jun ang balikat ko, "Ikaw ang unang bumitaw, Anne. Tandaan mo. Ikaw ang nang-iwan kay Michael sa ere. Time and space lang kailangan nya. Bakit ka bumitaw kaagad? You left him no choice. Sana hindi ka magsisi sa ginawa mo."
I smiled, "Hindi ko pagsisihan 'to."
--
Lumipas ang mga araw at wala akong ginawa kundi ang magpanggap pa din na okay ako. Alam nyo yung ang hirap ngumiti at kunwaring walang nakikita? Kitang-kita ko ang magkasamang si Mandy at Michael. Sabay pumasok, laging magkatext, at sabay umuwi.
Sinurprise pa nga ni Michael si Mandy nung birthday nya at nung Valentines. Ang sweet lang. Sobra. Para nga kaming nanonood ng movie. Bagay na bagay sila. Sila siguro ang para sa isa't isa. Extra lang ako sa kanila. Isa akong dakilang singit lang sa love story nila.
"Anne, okay ka lang?" Umupo sa tabi ko si Brenda at hinimas pa ang likod ko.
Tumawa ako, "Ayos lang ako. Bakit naman hindi? Hahaha." Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Pinili ko 'to, di ba? Ako na mismo yung bumitaw. I let him go for him to find his own happiness. Pero ba't ang sakit?

YOU ARE READING
Realize
Nonfiksi[TRUE STORY] "And they wonder why they both walked away that time..." Book Cover by @AngDyosangManunulat