Panimula

89 12 3
                                    

Kasiyahang namumukadkad sa loob ng puso ko habang mga kamay natin na halos di na bumibitaw sa palad ng isa't isa. Ang masaganang simoy at lamig ng hangin magkasabayng nilalanghap na may ngiti sa bawat labi. Naka-paang nagsasayaw sa ilalim ng ulan, pinapakinggan ang bawat ritmo ng tubig na pumapatak galing sa mga nangungulimlim na mga ulap, sinasabayan ang musika'ng di alam kung nagkakatugma ba o sadyang puso natin ay nagkatugma. Mga gabing pinagsasaluhan, sa bawat ulos ng puso'y rurok ng kasiyahan kasaby ng matitinis na tawa mo'y nagmistulang classical music sa mga tenga. Sa iyong mata, napagtanto kong ikaw nga ang aking mundo, ikaw nga ang aking puso at ikaw nga ang aking buo. Isang kasiyahang, dinadalangin ko'y sana panghabambuhay na.

Ngunit, sa kadiliman ng gabi, narinig ko ang bawat hikbing pinipigilan mo kasabay ng iyong maliliit na yabag. Agad akong bumalikwas, malakas na pagtibok ng puso'y, nagrambulan ng napagtantong wala ka na sa tabi ko.

Walang pang-paa, minumura ang bawat daang di wasto sa kinaroroonan mo ngunit laking kasiyahan ko ng maaninag kita sa di kalayoan. Walang pag-aalinlangang niyapos kita mula sa likuran mo, nanginginig ka't maski rin ako.

"Tinakot mo ako, akala ko. Tulad nila lilisan ka rin sa buhay ko." Binalot ng kaba ang bawat salita ko, pero nanatili siyang tahimik sa ilalim ng mga braso ko.

"Bitiwan mo ako." katahimikang tinapos mo sa malalamig mong boses, na sa di malamang dahilan unti unting pumipiga sa puso kong takot maiwan. Kaya di kita pinakinggan at marahas na hinarap kita sa akin, dinadalanging  salubongin mo rin ang mga titig ko.

"Saan ka pupunta?" kita ko ang di mawaring emosyon sa mga mata mo. Pinipilit kong iwinaglit ang namumuong agam agam sa puso ko at hinawakan kita ng mahigpit.

"Paki-usap, bitawan mo na ako." mga salitang paulit-ulit mong hinihinging gawin ko. Ngunit di kitang kayang bitawan sapagkat sa isip ko'y masaya naman tayong dalawa.

"Sorry Luke, pero hindi ako panghabambuhay mo." salitang iniwan akong nakatulos sa paa ko, mga kamayng unti unting bumitaw sayo. Nakatayong, binibilang ang bawat hakbang mo papalayo sa akin, tahimik na pinagmamasdan kita hanggang anino mo na'y naglahong tuloyan.

Kasabay ng pagbagsak ng malalaking butil ng ulan, mga malalamig na luha mula sa aking mata'y nagsilisanan at nakipagkarera sa bilis ng ulan. Di makapaniwalang, ang taong inakala'y bubuo sa sarili ko'y naging dahilan pa ng pagkapira-piraso ng dati ng wasak at winasak na niya ng tuloyan.

"Mahirap ba akong mahalin ng panghabang buhay, Mia?" mahina kung tanong sa madilim na daan kung saan huli ko siya nakita.

Luke and MiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon