Chapter 1

13.7K 181 6
                                    

October 1980
Dumaran, Palawan.

"Kapag sinamahan mo ang babaeng iyon ay hindi ka na makakatapak pang muli sa lupaing ito, Antonio," pagbabanta ni Don Romano.

"Pero wala kaming ibang pupuntahan ni Margarita, Papa."

"Si Consuelo ang gusto kong mapangasawa mo! Nagkasundo na kami ni Mariano na kayo ang magkakatuluyan para magdugtong ang mga lupain natin," madiin pa ding wika ng Don.

"I'm sorry, Papa, pero si Margarita ang mahal ko. At ngayo'y nagdadalantao na siya. Hindi ko siya maaaring iwan, Papa."

"Itatakwil kita bilang isang Falcon, Antonio. Makakaalis ka na at huwag ka nang magpapakita sa bayang ito." Tumalikod na ang matanda at naiwang nakaluhod ang anak na si Antonio.

Makaraan ang ilang sandali ay kumuha ng gamit si Antonio at inilagay sa banig na maleta. Naghihintay si Margarita sa kanya sa labas ng arko ng Hacienda Falcon. Ngayon niya dapat ipapakilala ang kasintahan sa ama pero tumutol ito sa pag-iibigan nila. Ang nais ng ama niya ay ipakasal kay Consuelo na anak ng kumpadre ng Don na mayroon ding ekta-ektaryang lupain. Pero mahal niya si Margarita.

Ulila na ito at mga tyahin lang ang nagpalaki. Nakatapos hanggang high school lamang at nagtrabaho na sa lupain ng mga Falcon kasama ng mga tiyahin. Dahil sa likas na ganda ay maraming nabighaning kalalakihan. At isa na siya doon. Naging magkasintahan sila at nangako siyang pakakasalan ito matapos na may nangyari sa kanila.

Mabigat sa loob na nilakad niya ang palabas ng hacienda. Malayo layo rin iyon pero hindi niya alintana ang init na sikat ng araw. Ilang sandali pa ay natatanaw niya si Margarita na kumakaway sa kanya. Nang mapalapit siya rito'y kumunot ang noo nito at halatang nalungkot nang makitang may dala siyang maleta.

"Lumayo na lang tayo sa bayang ito, Margarita. Hindi ko na gustong manirahan dit,."may galit sa tono niya.

"Ayaw niya ako para sa iyo hindi ba?"

"Hindi na iyon mahalaga. Magsisimula tayo ng panibagong buhay sa ibang lugar." Hinawakan niya ang kamay ng kasintahan at nilakad ang palabas ng lugar na iyon.

Nagtungo sila sa ibang bayan ng Palawan at nanirahan ng tahimik. Si Antonio at Margarita ay nakisaka sa ibang lupain para mabuhay. Nang ipanganak ni Margarita si Anthony ay nagpakasal sila sa huwes para hindi lumaking bastardo ang bata.

Naging mahirap ang buhay nila noon dahil sa kakarampot na kita ng mag-asawa. Si Anthony noon ay sakitin. Sinubukan nilang ipakilala kay Don Romano ang apo nito ngunit hindi man lang humupa ang galit nito. Napahiya ang matanda sa pag-atras ni Antonio sa kasunduan ng dalawang Don.

Isang negosyanteng si Robert ang nakasabay nila sa bangka ang naawa sa kalagayan ni Anthony na noong panahon na iyon ay inaapoy ng lagnat habang pauwi ng Puerto Princesa. Nagbigay ito ng pera para maipagamot ang bata. Iniwan din niya ang calling card kay Antonio kung sakaling mapadpad ito ng maynila at kailanganin nila ang tulong ay tawagan siya.

Matapos gumaling ng batang si Anthony ay nagpasya silang lumuwas ng Maynila para doon makipagsapalaran. Hinanap nila si Robert na kasalukuyang may pabrika ng mga tela. Doon ay nagtrabaho si Antonio bilang isang clerk dahil nakatapos naman ito ng Business Administration.

"Hindi mo ba nami-miss ang buhay mo sa mansion, Mahal?" tanong ni Margarita sa asawa. Alas nueve na ng gabi at nasa labas sila ng inuupahang apartment sa maynila.

"Kung mayron man akong nami-miss ay ang kapatid kong si Ariela, Mahal. At si Papa rin kahit itinakwil niya ako'y siya pa rin ang ama ko at mahal ko siya."

"Sana'y hindi ka nagsisisi na ako ang pinakasalan mo."

"Hinding hindi, Mahal. At marahil ay kinalimutan ko na ang Dumaran. Sa ngayon ay kayo ang prayuridad ko. Kayo ni Anthony." Inakbayan nito ang asawa at sabay silang nakatanaw sa mga bituin sa langit.

The Billionaire's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon