Sinusundo ni Anthony si Andrea sa school kapag maaga siyang nakakauwi. Tulad ngayon, dahil wala ang professor nila sa huling subject ay dumeretso siya sa school nito na malapit lang din sa tirahan ng kasintahan.
Nakita niya si Andrea na kausap ang kaklase nito na isa rin nitong masugid nitong manliligaw. Napasimangot siya. Bukod sa ayaw pang tumigil ng lalaking ito sa kasusuyo kay Andrea ay napakapresko nito at lagi niyang nakakaaway sa basketball sa paliga sa kanilang lugar. Palibhasa anak ng isang negosyante at may kagandahan ng bahay ng pamilya nito sa kanilang lugar.
Kumaway siya kay Andrea na nagulat nang makita siya. Nagpaalam ito sa kausap saka tumawid sa kinaroroonan niya.
"Bakit mo kausap ang Rick na yun?" naiinis niyang tanong.
"Magkasama kami sa isang project. Gusto niya sa bahay nila kami gumawa."
"Pumayag ka?" may inis niyang tanong habang naglalakad sila pauwi.
"Syempre hindi! Alam ko naman magagalit ka. Naghati na lang kami ng gagawin."
"Sa lahat naman ng makaka-partner mo sa project siya pa talaga?" hindi pa rin niya maalis ang inis sa tinig.
"E anong magagawa ko eh teacher namin ang pumili. At saka pwede ba di ko naman ipagpapalit yun sayo. Ganyan ba tingin mo sa akin?" tila naiiyak na sabi nito.
Tinitigan niya ang kasintahan na may namumuong luha sa mata. "Pwede ka ngang mag-artista, madali kang umiyak eh," tudyo niya sa kasintahan.
"Hmmp... Di ko kasi alam ba't ka nagagalit nag-uusap lang naman at sa labas naman na maraming tao." Saka ito lumakad ng mas mabilis para iwanan siya.
"Uy! Teka lang ba't iniiwan mo na ako," natatawa niyang wika habang hinahabol ito sa paglakad. Nag lakad-takbo naman si Andrea hanggang sa makarating sa tinitirhang apartment.
"Napakapikon nito. Hindi naman ako nagagalit nagtatanong lang."
"Umuwi ka na nga," sabi nito sabay punas ng luha. Niyakap niya ito nang natatawa.
"You're such a baby. Sorry na nagulat lang ako na kausap mo 'yun alam mo namang selos na selos ako dun."
Kumawala si Andrea at umupo sa banko habang nagtatanggal ng sapatos.
"Ikaw pa magseselos eh ikaw naman ang boyfriend ko. Bakit maaga ka na naman? Hindi ka na yata pumapasok ha." Pumasok ito sa may natatabingang kurtina at nagpalit ng pambahay na damit.
"Wala yung prof namin sa last subject." Nang makitang nakapagbihis na ito'y nilapitan niya ang kasintahan at masuyong hinagkan.
Nang wala siyang balak huminto ay kumalas si Andrea. Ito ang isa sa mga nagustuhan niya sa kasintahan – mataas ang disiplina sa sarili. Maayos itong manamit hindi tulad ng ibang kabataan na laging nakashort ng maiksi o kaya'y blouse na hapit naman sa katawan.
"Uuwi muna ako sa bahay gusto mo sumama?" tanong niya. Umiling si Andrea.
"Madami pa akong hugasin nagmamadali kasi ako kanina. Si Perly naman maaga umaalis yun at gabi na din nakakauwi." Ang pinsan nito ang tinutukoy. "Susunod na lang ako mamaya."
Kung gaano siya kadalas sa bahay nila Andrea ay ganun din ito sa kanila. At kasundo ng Mama niya ang kasintahan na isa sa ipinagpapasalamat niya.
Lumakad na siya pauwi sa kanilang bahay at naabutan ang ina na nasa kusina. "Hi, Ma!" Nagmano siya dito at inilapag ang gamit sa katabing monoblock na upuan.
"Hmm... Maaga ka yata?" tanong ng ina na nagluluto ng hapunan.
"Wala ho kaming prof sa huling subject." Tumuloy siya sa sariling kwarto at nagbihis ng damit-pambahay.
Ang bahay nila ay mas malaki ng kaunti dahil dalawa ang kwarto na ang nakapagitan lang ay plywood. Pero sa sala ay naroon na rin sa tabi ang kusina at sariling bathroom.
"Kumusta ang pag-aaral mo anak?" Tinabihan siya ng ina sa mahabang upuang monoblock.
"Okay naman ho, 'Ma. Malapit na ho ang graduation, kailangan ko na hong magbayad ng tuition fee," paalala niya sa ina.
"Nagsabi ang Papa mo na mangungutang sa opisina. Baka mamaya ay dala niya na iyon anak."
"Di bale ho, pag naka-graduate ako maghahanap ako agad ng trabaho para makatulong agad kay Papa."
"Wag mo masyado isipin yun, anak. Pasasaan ba't makakaraos din tayo."
Pagdating ng ama ng gabing iyon ay sinabing hindi raw ito pinautang sa opisina. Nanlulumo naman siya sa balitang iyon.
"Nanganganib nang magsara ang kumpanya, Margarita. Matanda na si Sir Robert at wala ni isa sa mga anak niya ang interesado sa pamamalakad ng pabrika. Nalulugi na kasi ito dahil sa dami ng nag-iimport galing China na mas mura sa merkado. Susubukan ko mangutang sa ibang kakilala ko anak." wika ni Antonio sa kanilang mag-ina.
"Sige po, Papa, Cum Laude candidate po ako, makakahanap po agad ako ng trabaho pagkatapos ng graduation."
"Natutuwa ako, anak, at unti unting natutupad ang pangarap mo kahit madalas ay kinakapos tayo," naluluhang wika ni Antonio.
"Aalis muna ako, Pa, Ma. Pupunta lang ho ako ulit kay Andrea," paalam niya sa mga magulang. Tumango naman ang mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Prince
RomanceHindi magkamayaw ang mga tao sa mall na iyon. Si Andrea Buenaventura, isang model turned actress ay may mall show doon para sa isang upcoming serye. Lahat ay gustong makita ang dalaga, makamayan at mapicturan. Matapos ang mall show ay dumalo nama...