Chapter 8

4K 122 7
                                    

Nasa airport na ng Puerto Princesa si Andrea at ang manager nito para sa promotion ng teleserye nila ni Patrick. Kasama din sa byaheng iyon ang on-screen partner niya at iba pang characters sa palabas. Inikot niya ang mata sa paligid at nilanghap ang hangin.

Two weeks ago lang niya nalaman na kasama sa iterinary nila ang Palawan para mag-promote. Sa Falcon Hotel and Resort sila naka-book ng ilang araw dahil kasama sa schedule niya ang launching ng bagong tayong condominium ng mga Falcon. Isang madaliang photoshoot ang ginawa nila para sa pag-feature nito sa isang lifestyle magazine.

Falcon. She felt nostalgic. May emosyong hindi niya maintindihan sa lugar na ito. Maybe because she knows that a chance of meeting Anthony again is a big possibility. Isang pagkakataong hiniling niya kahit suntok sa bwan.

Pero ngayong nasa Palawan na siya ay umahon ang mga agam-agam at takot. That maybe Anthony wasn't interested in meeting her again.

Isang shuttle ang huminto sa tapat nila na galing sa Falcon Hotels and Resorts. Isa-isang sumakay ang mga kasama niya dala ang kani-kanilang mga bagahe. Siya ay tinulungan naman ng driver at isa pang tauhan ng resort na naka-uniform.

Makalipas ang kalahating oras ay narating nila ang Hotel. Matapos ibigay ng attendant ang susi ay sinamahan sila nito sa kani-kanilang kwarto. Falcon Hotel is a five-star hotel in Puerto Princesa. May ilang branches pa ito sa ibang parte ng Palawan tulad ng Coron, El Nido at sa Dumaran. Bukod sa magagandang muebles na ginamit, ang pinaka atraksyon ay ang overlooking view nito sa islang nakapalibot. It was like a postcard came into life. Putting-puti ang buhangin at asul na asul ang dagat.

Dalawang oras lang silang nagpahinga bago ang mall show nila sa isang mall doon. Bitbit ang personal na gamit ay sumakay silang muli sa shuttle ng hotel na maghahatid sa kanila sa mall. Kasama niya si Patrick, ang manager, at isang make-up artist.

Napakaraming tao sa mall na iyon. Lahat ay sumisigaw sa pangalan nila ni Patrick. Lahat ay gusto siyang ma-picturan at makamayan. Kumaway siya sa isang side, lalong namang naghiyawan ang mga tao.

Matapos ang ilang production numbers ng kasama nilang artista ay sumalang sila ni Patrick na naglip-sync sa isang kanta. Lalong lumakas ang hiyawan. Dalawang oras ang inabot ng show na iyon bago sila muling bumalik sa hotel.

Pagod ang katawang ibinagsak niya ang sarili sa kama. Mamayang alas nueve naman ay thanksgiving party na dadaluhan nila ng manager sa isang function hall ng hotel. May isa't kalahating oras pa siya para matulog.

Isang katok ang nagpagising sa kanya. Nang buksan niya ay isang room attendant ang naroon at may dalang pagkain. Isang sizzling seafood platter at fresh orange juice na nagpaalala sa gutom niya.

Pagkatapos kumain ay naghanap ng isang evening gown sa maletang dala. Isang purple v-neck backless ang isinuot niya. Matapos ayusin ang make-up at buhok ay lumabas siya ng kwarto.

Maraming tao sa function hall. Karamihan ay matataas na tao sa Puerto Princesa base na rin sa magagarang suot ng mga ito. Kumuha sya ng maiinom sa umiikot na waiter.

Nagkislapan ang mga camera sa kanya nang makita ang presensya niya. Hindi nya gustong makaagaw ng atensyon. This is not her party and not related to her at all. Naimbita lang sila ng manager niya. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya nang may isang pamilyar na mukha siyang natanaw sa gitna ng maraming tao. And those eyes were staring at her like midnight – deep and mysterious.

Anthony Falcon.

Biglang tila nagsikip ang function hall na iyon. Iniwas niya kaagad ang tingin. So, that's how he looked like in person now. Lumaki na ang katawan nito at mas naging makisig sa suot nitong tuxedo. Malayo na sa Anthony na boyfriend nya noon.

Wala siyang ibang kakilala sa pagtitipon na iyon. Hinanap nya ang manager ngunit hindi nya ito makita. Tumayo siya sa isang sulok habang dala ang isang kopita ng alak na halos hindi niya mainom.

Ilang sandali pa'y may nagsalita sa harap at nagpakilalang si Olive Falcon. Nagbigay ito ng konting speech at ipinakilala ang ilang mahahalagang taong nandoon na hindi niya matandaan ang mga pangalan. And then she introduced Anthony Falcon, the person behind the success of Falcon Tower 1.

Nang matapos ang speech ay lumapit si Olive sa kanya at nagpakilala.

"Hi, Andrea! I'm Olive Falcon. Thank you for gracing this party," nakangiti nitong wika sabay beso sa kanya.

"It's my pleasure." Ngumiti siya dito at wala nang nasabi pa.

"Who's with you?" tanong nito nang makitang wala siyang kasama.

"My manager. But she's nowhere in sight."

"Okay." May kinawayan ito at nagulat siya nang makitang papalapit si Anthony. "Here's my handsome cousin to keep you company," wika nito at ipinakilala sila sa isa't-isa.

"Enjoy the night!" huling wika nito bago sila iniwang dalawa. She saw how Anthony rolled his eyes to protest at Olive pero hindi ito pinansin ng pinsan at tuloy-tuloy lang na umalis.

Tila naging sila lang ang tao sa bulwagang iyon. She can smell his manly scent at iba't-ibang damdamin na ang pumasok sa sistema niya.

"I'm okay, if you don't want to stay here. Magpapalipas lang ako ng oras," wika niya ng mapansing labag sa loob nito ang ginawa ni Olive dahil hindi naman na ito nagsalita.

"Damn, Andrea, hindi ako nang-iiwan ng taong ipinagkatiwala sa akin," mahina pero marahas nitong sagot. Hindi na siya muling nagsalita.

"So you got yourself to stardom, huh!" Muli itong nagsalita nang hindi tumitingin sa kanya.

Hindi siya sumagot sa tila pang-uuyam na iyon. Nagulat siya nang hilahin nito ang kamay niya at dinala sa gitna ng bulwagan para isayaw. Nakita nyang nagkislapan ang mga camera pero hindi iyon pinansin ng binata.

Hawak nito ang bewang niya at hinapit ang ulo niya ang dibdib nito. Nararamdaman niya ang kamay nitong nahahawakan ang likod niya. Masarap sa pakiramdam na kasayaw niya ito ngayon. Hinayaan niya ang sariling damhin ang gabing ito na kasamang muli si Anthony.

Nang matapos ang tugtugin ay bumalik siya sa pwesto kanina at nakitang nandoon na ang manager nya. Iniwan na rin siya ni Anthony dahil kinausap na ito ng ibang taong nandoon.

Hindi na ito muling lumapit sa kanila at nakita niyang abala na ito sa pakikipagusap sa mga bisitang naroon. Bago pa mag hatinggabi ay nagpaalam na siya sa manager na babalik na sa kwarto at magpapahinga.


(Continuation of this story can be found on GoodNovel and on my youtube channel.  Please search for Weng Cipriano on youtube.  Thank you!)

The Billionaire's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon