Dumaran, Palawan
Present time...Nakatanaw mula sa balcony si Anthony sa bulwagang nasa labas lamang ng mansion. It's Tiffany's eighteenth birthday, his cousin from his Aunt Ariela. Alas onse na ng gabi pero nagkakasayahan pa ang mga kabataan. Karamihan ay mga kaibigan at kaklase ni Tiffany mula sa isang sikat na unibersidad sa Puerto Princesa.
Eight years ago ay bigla silang umuwi ng Papa at Mama niya sa bahaging ito ng Palawan. Ang sabi ng abogado ng pamilya nila ay pinapauwi sila ng Lolo niya na noo'y inatake sa sakit sa puso. His grandfather was eighty five years old then, at maswerteng nakaligtas pa rin ito sa atake. Hindi niya akalain na ganito kalaki at kaimpluwensya ang angkan nila dito. Noon niya rin nalaman ang kwento kung bakit sila napadpad sa Tondo at namuhay nang mahirap.
Ipinahanap ng Lolo niya ang amang si Anthony dahil maysakit na si Don Romano dahil na rin sa katandaan. At dahil si Antonio ang panganay at nag-iisang lalaking anak nito ay malaking porsyento ng mga ari-arian ng Falcon ay maiiwan sa pangangalaga nito tulad ng Hacienda Falcon, ang Falcon Hotel and Resorts, Falcon Mining Corporation, at Falcon Security Agency Inc.. At ang iba ay kay Ariela ipapamahala tulad ng Falcon Manpower Services, at Falcon Travel Agencies. They definitely owned seventy percent of business establishments in Dumaran, making Antonio a billionare.
And he as a billionaire's son.
Most people call him the billionaire's prince dahil sa angking kakisigan at pagkamagiliw sa tao.
In one snap of finger, they became rich and famous.
"The night is still young, Kuya Anthony, why don't you enjoy dancing with those girls." Nasa likod pala nito ang pinsang si Olive. Twenty four na ito at ang panganay na anak ng Auntie Ariela nya. Ang isa pang anak nito ay si Ellise na twenty two years old. At si Tiffany ang bunso.
"I'm too old for them; I don't play with little girls," wika nito sa pinsan.
"And who are you playing with? Maddox? I don't like her," pranka nitong sabi.
"Why not? She's sexy, matured, and we have a lot of things in common..." sagot niya sa pinsan. Hindi niya gustong sabihin pa na ang isa sa pinagkakasunduan nila ni Maddox ay may kinalaman sa sekswal na paraan.
"And liberated," wika ni Olive na nakanguso pa. "Are you serious with her?"
"We're not talking about relationships and commitments. Kaya kami nagtatagal."
"Oh. . . that's why. . . What about other girls? Haven't you thought of settling down?"
"I'm only twenty nine, Olive, not forty nine," natatawa niyang wika. Sa edad niyang ito ay malayo pa sa isip niya ang pag-aasawa. Kahit ang pakikipag-commit ay iniiwasan niya.
"Yeah, but you have to have at least a serious relationship right now."
Umiling siya. Kelan ba siya huling nagkaroon ng seryosong relasyon? College days pa – with Andrea Buenaventura. That little witch that played with his emotions. Na pinakaingat-ingatan niyang hindi umabot sa mas malalim pa sa halik ang gawin nila yun pala'y nakikipag-sex sa ibang lalaki. Bumabalik ang galit niya rito kapag naaalala ang tagpong dinatnan niya sa apartment nito. Rick was on top of her and feeling her dampness and ready to enter. Napapikit siya nang muling magrehistro sa utak niya iyon. And he clearly saw that Andrea wasn't even resisting tulad ng sinabi nitong nabigla lang ito sa ginawa ni Rick. Sana'y nakita niyang lumalaban ito para paniwalaang hindi totoong may relasyon ang dalawa.
"Are you okay?" Nagulat siya sa pinsan nang magsalita ito. Hindi niya namalayang naglakbay na ang diwa niya sa nakaraang pinilit niyang kalimutan.
Tumango siya. "Go to your room, baby sister. Ako'y matutulog na rin." Pinisil nito ang pisngi ni Olive saka tumalikod at nagtungo na sa silid niya.
Anim ang kwarto sa bahay na iyon na may sari-sariling bathroom. Sa labas ay may malawak na lawn na nagsisilbing venue at recreation ng mga Falcon kapag may okasyon, at hallway na napapalibutan ng iba't ibang halamang namumulaklak. May isa ding library na nagsisilbing opisina ng kanyang Lolo dati na ngayon ay gamit ng ama.
Hinubad niya ang suot na tuxedo at isinabit sa rack. He felt tired after several meetings this afternoon in Puerto Princesa. Kung hindi lang niya mahal ang pinsan ay hindi siya dadalo sa party nito. Pero mula ng bumalik sila dito at nakilala ang mga pinsan ay tila nagkaroon siya ng mga kapatid. He adores all of them. Kung paanong mahal din siya ng mga ito bilang kuya.
Humiga siya sa kama habang naiisip pa rin si Andrea. Nang umuwi sila dito ng mga magulang niya ay pilit niyang kinalimutan ang dating kasintahan. Nakatulong ang bagong environment para kahit paano ay maka-recover siya kaagad sa pagiging brokenhearted. He never loved any woman nang panahong sila ay magkarelasyon. Ni tumingin sa iba ay hindi niya ginawa. Kaya hindi niya matanggap ang ginawa ni Andrea sa kanya. At sa pagdaan ng mga taon akala niya'y nakalimutan niya na ito.
Until he saw that shampoo commercial two years ago. At nang sumunod ay toothpaste. And the next thing he knew ay nakapasok na ito sa showbiz industry.
Napangiti siya ng mapait. She pursued her dream of becoming a celebrity afterall. Malayo na rin ang narating nito. From billboards to tv screens, mabilis nitong nakamit ang tagumpay taglay ang magandang mukha. At ngayong may bago itong teleseryeng pino-promote ay nakakalat ang mukha nito kahit saan siya magpunta; sa magazine sa bahay, sa dyaryo sa opisina. Kahit sa mga billboards na nadaanan niya kanina sa airport ng Puerto Princesa.
But he will never be deceived by her charm anymore.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Prince
RomanceHindi magkamayaw ang mga tao sa mall na iyon. Si Andrea Buenaventura, isang model turned actress ay may mall show doon para sa isang upcoming serye. Lahat ay gustong makita ang dalaga, makamayan at mapicturan. Matapos ang mall show ay dumalo nama...