Chapter 7

3.6K 102 0
                                    

Kakatapos lang ni Andrea ng huling shooting nila para sa teleseryeng ipapalabas na inabot ng madaling araw. She felt tired and exhausted dahil sa sunod-sunod na project; commercial photoshoot, mall shows, presscon at kung ano-ano pang social gatherings na kailangan niyang daluhan para sa ikatatagumpay ng bago niyang teleserye. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at pumikit. Wala pang limang minuto ay nakatulog na siya.

Alas dos na ng hapon siya nagising. Umupo siya sa eggchair na nasa balcony ng condong inuupahan niya mula nang pasukin ang pag-aartista. Mula doon ay tanaw ang buong kamaynilaan. She is in 25th floor of CityState Building in Quezon City.

Napatingin siya sa Cosmo Magazine kung saan na-feature si Anthony bilang isa sa mga magagaling at batang-batang negosyante sa Pilipinas. The Billionaire's Prince ayon sa article. Na ang ama nito ay isa palang tagapagmana ng ilang negosyo sa Palawan. Kung paano ang mga ito napadpad at namuhay sa maliit na apartment sa Tondo ay wala siyang ideya. Napangiti siya sa sarili. Kahit masakit ang naging pagtatapos nila'y maganda naman ang buhay ngayon ng dating kasintahan na labis na rin niyang ikinatutuwa. Hinaplos niya ang mukha nito sa magazine cover. Sa mahabang panahon ay inalagaan niya ito sa puso niya. Maging ang mga magazine kung saan feature si Anthony ay nasa lahat ng sulok ng condo niya. Somehow deep in her heart ay gusto niyang makausap itong muli at ipaliwanag ang hindi niya naipaliwanag sa nangyari eight years ago.

If fate could only give them another chance to meet somehow.

Pagkatapos niya ng high school ay iginapang niya ang sarili makatapos lang sa isang magandang eskwelahan sa tulong ng inang nasa Hongkong. Nagtapos siya ng BS Journalism. Opportunies knock at her after graduation. Nagsimula syang extra sa isang commercial ng shampoo hanggang sa naging main endorser, sinundan pa ng ibang produkto, at ngayo ay pinasok na rin niya ang mundo ng showbiz nang makilala niya ang manager niya ngayon sa isang event.

Noon, akala niya ay ganun lang kadali ang pag-aartista. Maliit pa'y pinagarap niya na iyon. Pero ngayon pa lang na mahigit dalawang taon pa lang siya sa industriya ay napapagod na siya at hindi na siya masaya.

Something is missing in her life.

Isang tunog ng telepono ang nagpabalik sa diwa niya. Pumasok siya sa sliding door ng silid at sinagot ang cellphone na nasa kama.

"Hello, Manay?" sagot niya sa telepono. Ang manager niya ang tumawag na iyon.

"Andrea, may naka-schedule kang presscon bukas ng hapon sa Manila Pen together with Patrick." Ang tinutukoy nito ay ang on-screen partner niya. "We'll meet at two o'clock, sabay na tayong magpunta roon," utos pa ng manager na ikinadismaya niya. Another bad side of showbiz. Hindi ikaw ang gagawa ng sarili mong schedule and you can't say no.

Ibinaba niya ang telepono sa kama at nagpasyang magbabad sa bathtub na nakakabawas sa pagod na nararamdaman niya. Mamaya ay a-attend naman siya sa isang mall show ng alas sais.

Kinabukasan ay halos alas otso na siyang nakauwi galing sa presscon sa Manila Pen. Marami ang gustong makipagkamay at makakuha ng exclusive interview pero hindi niya pinaunlakan. Hindi niya gustong maging bastos sa mga press na naroon. But they're not actually concern about the movie. Gusto lang nilang kalkalin ang buhay niya hanggang sa kaliit-liitang detalye para may pag-usapan. Hindi niya gustong makalkal ang kanyang nakaraan lalo ang parteng bahagi si Anthony. Gusto niyang manatiling pribado ang parteng iyon ng buhay niya. It was special for her. Hindi niya gustong pagpyestahan lang ng mga tao.

Isa pang hindi niya gustong sagutin ay ang tungkol sa kanila ni Patrick. Hindi pa siya sanay magsinungaling. Patrick is very much married pero hindi alam ng madla, o kung may nakakaalam man ay hindi rin gustong magsalita. Ang sandaling pagtatambal nila sa isang teleserye made a big hit. Hanggang sa gusto ng tao na sila na yata ang magkatuluyan. At kapag tinatanong siya ng press tungkol sa relasyon nilang dalawa ay naaawa siya sa asawa nito.

*****

Kakatapos lang magjogging ni Anthony sa palibot ng hacienda isang umaga. Kung papipiliin siya sa Dumaran at Puerto Princesa ay mas pipiliin niya dito mamalagi. Tahimik ang paligid at maganda ang tanawin. Matatanaw mula sa itaas ng mansyon ang berdeng tanawin dahil sa mga halaman sa hardin at matatayog na puno na nakapalibot sa hacienda. Nagdudulot ang tanawing ito ng kapanatagan sa kanyang isipan.

"Hi, handsome," bati ni Olive sa kanya. Kasabay niya ito kahapong umuwi galing ng FGC gamit ang chopper ng pamilya. "Hindi mo pa naku-kwento ang tungkol sa lovestory niyo ni Andrea. I'm curiously waiting," tudyo nito na may halong pang-iinis.

"There's nothing to talk about, Olive, I was only twenty one then. Bago ko nalaman na may mas magaganda pa pala sa kanya dito sa Palawan," sagot niya nang may halong biro sabay kindat niya sa pinsan.

"Oo, alam na namin 'yun, Kuya, marami talagang magaganda dito sa Palawan at kabilang na kami roon." Tumawa ito sa pagbubuhat nito ng bangko. "But Andrea is something. Hindi kaya destiny ito kaya siya ang nakuha kong endorser natin?"

"Oh, no. I don't believe in that destiny or fate or kung ano ang gusto niyong itawag doon," natatawa niyang wika at umupo siya sa parkbench sa gilid ng mansyon.

"Why not? I know she's single right now," pagpipilit pa rin ni Olive. "Well, there's a rumor that this Patrick is her boyfriend, she didn't admit it though. Alam mo naman ang showbiz, mas madalas para lang sa show ang mga balita pero wala namang katotohanan."

"I don't care. I don't have any business with her anymore," seryoso niyang sagot. Hindi naman na muling inungkat pa ni Olive ang tungkol kay Andrea nang makita ang inis sa mukha niya.

But without his knowledge, Olive is planning something for him.

The Billionaire's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon