[ nakaraan..]
..."LATE NA'KOOOOOOOOOO!!!" kumaripas uli ako sa takbo hangang sa nakarating na'ko sa harap ng classroom namin...wala ng katao tao sa paligid ...
kakatok na sana ako ng may biglang ...
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
kakatok na sana ako ng may biglang humaplos sa likod ko pagtingin ko wala namang tao! kinilabutan ako sa nangyare kaya kumatok agad ako at pumasok ...
pagpasok ko lahat sa'kin nakatingin... pati narin yung apat..
"mr.Arquiza are you ok?" nag tatakang tanong sa'kin ni mrs.Garcia..
"ye-yeah! I'm fine!" sagot ko..
"late ka nanaman?!" mrs.Garcia..
"sorry po mam!" sabi ko..
"ok! now you can sit!"
"thank you mam!" sabi ko at pumunta na sa pwesto ko...
"pssst!! pare!" pabulong na tawag sa'kin ni Grae..
"ano?!"
"anong bang nangyare sayo kanina? para kang nakakita ng multo?!" - Grae
"haha..oo nga!" - Joaquin
"tse! mamaya ko na ikwekwento sa inyo! makinig nalang muna kayo!" sabi ko..
"sige!" bulong nilang apat..
nakinig na kami...nakatingin lang ako sa blackboard ng may dumaan na babaeng mahaba ang buhok at natanaw kong tumingin siya sa'kin at ngumiti ng nakakatakot! sinundan ko siya ng tingin at nung malapit na siya sa pader bigla nalang siyang nawala.. biglang bumilis uli yung tibok ng puso ko..
napatingin ako sa apat mukhang di sila mapakali.. nakita din kaya nila?
-> FASTFORWARD <-
*Driiiiiiiiiiiing..!!*
lunch time na..
"Pre! tara na!" di mapakaling pagaaya ni Nash..
"oo nga! tara na nga!" pag sangayon ni John ..
"tara! tara! tara!" sabi naman ni Joaquin na mukhang takot na takot..
mhh..mukhang nakita din nila yung babae..
habang nag lalakad kami sa hallway walang nag sasalita,si Nash at John di parin mapakali si Joaquin mukhang takot na takot pa din! si Grae naman sa mukha palang maiintindihan mo ng kinakabahan siya...
ng makarating na kami sa canteen omorder na kami ng makakain at pagkatapos pumunta kami sa garden wala na kaseng pwesto sa canteen ee..
habang kumakain kami nakatingin lang ako sa kinilang apat ... si Nash pagkasubo tumitingin tingin sa paligid,si John ang bilis kumain,si Joaquin nanginginig yung kamay kaya laging nahuhulog yung pagkain na nasa kutsara si Grae naman di malunok lunok yung nasa bunganga niya..
"guys! ok lang ba kayo?!" ...
"hu-hu? ah..eh..oo naman! bakit!?" sabi ni Nash na patuloy parin tumitingin sa paligid..
"para kase kayong nakakita ng multo!.." pagkasabi ko non napatingin silang apat sa'kin si Nash napalunok laway si John di na makatingin sa'kin ng daretso,si Joaquin nangingiyak ngiyak na yung mata, si Grae naman parang nanginginig na natatae ewan!
BINABASA MO ANG
Wag Kang Bibitaw...
HorrorHi po! ... Horror/Romantic/Comedy and Dramatic po ito! ... sana po magustohan niyo! di lang po ito patungkol sa Gimme5 andito din po si Darren Espanto! Hope you like it! ^^ :*