CHP. 4

60 1 0
                                    


[nakaraan..]

..nag simula na'kong kumain at habang kumakain ako nanonood din ako ng tv sa sala habang nanonood ako may narinig akong ingay sa kusina.. di ko nalang muna yun pinansin dahil baka si yaya Mel lang yun.. maya maya may narinig uli ako,parang mga kaldero na bumagsak kinabahan ako,nilapag ko muna yung plato ko at nag lakad dahan dahan papuntang kusina ang lakas ng kabog ng puso ko..

pagtingin ko ang kalat ng kusina lahat ng mga gamit nakakalat sa sahig at yung iba nasa lamesa at pagtingin ko naman sa pader nagulat ako sa nakita ko ...
may nakasulat at ang nakalagay ay ...

-Mag Ingat ka..-

natakot ako ng makita ko yung babaeng multo sa gilid ng sulat nakangisi siya pero yung mga mata niya iba ang ibig sabihin...parang may gusto siyang iparating sa'kin ...

"iho ano yun--anong nangyare?" napatingin ako kay yaya ng saglit at tumingin uli ako sa direction ng babaeng multo pero wala na siya ...

"iho anong..ano-anong nangyare??!!" nag tatakang tanong ni yaya...

"ahh..ehh..di ko din po alam ya! *kamot sa ulo* di ko po alam! sige po ya! pupunta na po ako sa kwarto!" sabi ko at dumaretso na sa kwarto ko ..

humiga ako sa kama ko at pumikit ... anong ibig niyang sabihin? at kung binabalaan niya lang ako bakit ginulo niya yung kusina?

habang nag iisip ako may naramdaman ako na para bang may sumusuntok sa ilalim ng kama nag taka ako kaya tumayo ako at lumuhod ako para tignan kung ano yun at nanlaki yung mata ko ng...

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

habang nag iisip ako may naramdaman ako na para bang may sumusuntok sa ilalim ng kama nag taka ako kaya tumayo ako at lumuhod ako para tignan kung ano yun at nanlaki yung mata ko ng makita ko nanaman yung babaeng multo..nakatingin lang siya sa akin at ako di ko maalis yung tingin ko sa kaniya mga ilang segundo din ang lumipas ng bigla siyang ngumiti tas bigla nalang nag pataysinde yung ilaw kinakabahan na'ko! parang hihimatayin na'ko sa kaba!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"

may narinig akong sumigaw na babae kaya tumayo agad ako at lumabas pinuntahan ko agad si Dianne sa kwarto niya pero wala na siya dun kaya bumaba ako sa sala..

pababa na'ko ng biglang tumigil yung pag patay sindi ng ilaw at ..

"kuya!" tawag sa'kin ni Dianne at lumapit sa'kin at niyakap ako..

"ayos ka lang ba?!" tanong ko sa kaniya ng may pagaalala..

"oo kuya! natakot lang ako dahil biglang nag pataysindi yung ilaw sa kwarto ee.." sabi niya..

"ahh..akala ko naman kung ano ng nangyare sayo! lumabas agad ako nung narinig kong sumigaw ka ee.."

"sumigaw?? hindi naman ako sumigaw kuya!?" sabi niya..

"anong hindi! wag mo nga'kong pinagloloko! may narinig akong sumigaw na babae ee.. ikaw ba yun Ya?" tanong ko kay yaya ng may pagaalala

"iho wala naman kaming narinig na sumigaw na babae ee.. atsaka di kami sumigaw ni Dianne!" sabi ni yaya.. at dun na ulit ako kinabahan.. kung hindi sila yun sino yun? e si Yaya Mel,Dianne at ako lang naman ang nandito sa bahay ee..

nanlaki yung mata ko ng makita ko yung babaeng multo sa likod nila Dianne nakangisi siya..

"oh? kuya ok ka lang? para kang nakakita ng multo ee.." napatingin ako kay Dianne..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wag Kang Bibitaw...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon