WARNING!
Unedited po ang story na ito kaya kung napansin niyo po na may typo o grammatical errors pagpasensyahan niyo na po, paki comment na lang po. Feel free po sa pagcomment ng gusto niyong sabihin o tanungin. And don't forget to follow me para manotice niyo po mga updates ko, and vote na rin po kayo hehehe. Thank you po!😘I wrote this story for fun hope you enjoy it!
Don't copy this work
PLAGARISM IS A CRIME!Elise's POV
Tapos na naman ang bakasyon, kay bilis ng panahon. 'Di ko maimagine na grade 11 na ako sa pasukan.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinahanap ang notebook na bibilhin ko, nasa loob ako ng National Book Store upang bumili ng mga kagamitan na kailangan ko sa pasukan.
Inilagay ko sa pulang basket ang mga pinamili ko at dumako naman sa lugar kung saan nakaimbak ang mga libro.
Agad na napukaw ng pansin ko ang lalaking nakatalikod sakin at naghahanap din ng libro. Kilalang kilala ko to hindi ako pwedeng magkamali.
OMG! Si Draven nga sabi na eh kilalang kilala ko siya kahit saang angulo kahit na malayo kilalang kilala ko yan!
"Draven anong hinahanap mo?" Nakangiting tanong ko. Pano ba naman kasi nabuo bigla araw ko nung nakita ko siya.
"Libro, obvious ba?" Ih suplado pero ok lang cute pa rin siya.
Napa-pout ako bigla ngunit ngumiti ulit. "Gusto mo tulungan kita maghanap?" Excited kong tanong.
"No need I can do it on my own." Walang emosyon niyang sambit at bigla na lang umalis.
"Uy teka lang draven sabay na tayo" Habol ko sa kanya.
Patuloy lang siyang naglakad patungo sa counter. Sinundan ko siya at kinausap.
"Alam mo ba excited na ako bukas magkakaroon ng bagong kaibigan." Kwento ko.
Tahimik lang siya at di ako kinakausap habang ako ay sunod ng sunod sa kanya at patuloy pa rin pagkwento.
"Mabait kaya yung magiging teacher natin? Sana mabait. Sana mabait din mga magiging kaklase nat--" Napatigil ako sa pagsasalita nung namalayan kong wala na pala siya sa tabi ko.
Teka nasan na kaya yun? Nagpalinga-linga ako sa daan, teka nakalampas na pala ako ng bahay. Kaya pala wala na siya sa tabi ko.
"Oh bakit parang ang saya mo ata?" Bungad ng mama ko pagkapasok ko ng pinto.
Napangiti ako lalo dahil naalala kong nakasabay ko siyang umuwi.
"Wala Ma nakita ko lang kaklase ko dati." Paglilihim ko.
Ayokong malaman niya kasi tutuksuhin niya ako panigurado. Kapit bahay ko lang si Draven at magkakilala ang mga magulang namin simula pa noong bata pa kami kaya ayokong malaman nila.
Nagbihis na ako at inayos ang mga pinamili ko.
Pagkatapos kong maghapunan bumalik agad ako sa kwarto at pumunta sa balcony upang silayan si Draven mula sa bahay nila na katapat lang ng bahay namin.
Nagbabasa na naman siya ng libro sa study table niya, hayyy ang cute niya talaga pagseryoso siya. Kelan ka ba mapapasakin? Akin ka na lang please?
Nasira ang pagtitig ko nung bigla siyang tumingin sakin at nagkatitigan kami.
*dugdugdugdug*
Bigla naman niyang sinarado ang bintana niya sa kwarto at pinatay ang ilaw. Ih ang cute niya talaga kapag nagsusungit hahaha magiging akin ka rin Draven, magiging akin ka rin.
Iniisip ko pa rin siya hanggang sa pagtulog ko.
"Draven gusto kita" sambit ko sa kanya.
"Gusto rin kita Elise matagal na" Naginit ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Di ako makagalaw parang lalabas na puso ko sa sobrang lakas ng kabog.
"Would you be my girlfriend?" Seryosong tanong niya.
"Yes!" Masayang sambit ko habang kagat ang ibabang labi.
Niyakap niya ako bigla at talaga namang gusto ng sumabog ng puso ko sa saya. Whaaaaaa sa wakas akin ka na rin. Kinikilig ako eme ged!!! Haba ng hair k--
Natigilan ako ng bigla kaming nahulog dahil sa nagtatakbuhang estudyante.
"Whaaaaaaa!" Sigaw ko nung bigla akong nahulog sa kama.
Ayy sayang kala ko pa naman totoo na ang ganda ganda na ng panaginip ko eh. Yun na yun e to the highest level na eh.
Napatingin naman ako sa orasan na nakalagay sa table sa tabi ng kama ko. WHAT THE F MALELATE NA KO!
Dali dali akong naligo at nagbihis ng uniporme. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba sa 1st floor ng bahay namin patungo sa kusina.
Kumuha lang ako ng tinapay at nagpaalam sa mga magulang ko. Kinuha ko ang bike ko at dali-daling nagpedal.
Anak ng tokwa naman oh oh unang klase late ako. Di ko tuloy nakasabay si Draven papuntang school, kung mamalasin ka nga naman. Di bale makikita ko naman siya sa room mamaya eh hihihi.
Ito na naman po ang routine sa unang klase puro introduce yourself. Nakakaumay na paulit ulit. Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan.
Yey! It's lunch time! Whooo this is my favorite time, sa wakas makakakain din pero teka bakit wala si Draven?
Hinanap ko si Draven pagkatapos kong kumain. At kabisado ko na yan nasa library lang yan at kung wala sa library e nasa rooftop lang nagpapahangin o kaya dun nagbabasa.
Hindi nga ako nagkamali at naroon siya sa library.
Bigla ko naalala yung panaginip ko kanina na umamin ako kay Draven. Kung sabihin ko kaya ngayon malay mo ganun din ang mangyari sa panaginip mo diba edi may lablayp ka na ngayon.
Huminga muna ako ng malalim para palakasin ang loob ko matagal ko na rin tong nililihim simula pa lang nung bata pa kami gusto ko na siya kaya wala naman sigurong masama kung magbaka sakali ako diba? Wala namang masama kung susubukan ko. GO ELISE KAYA MO YAN! GO GIRL!
Umupo ako sa harap niya at binuklat ang librong hawak ko. 'Di man lang siya nagabalang tumingin sa akin.
Sa gitna ng katahimikan umayos ako ng upo at lumapit sa mukha niya.
"Draven, gusto kita" pabulong kong sabi sa kanya.
ibinaba niya ang librong binabasa nya at blangkong tumingin sa akin.
"Sorry 'di kita gusto" binalik naman niya ang atensyon sa librong binabasa niya.
Napakurap-kurap ang mata ko at bahagyang nakaawang ang labi sa gulat.
"Ah-eh...." napakamot ako sa batok at ramdam kong uminit ang pisngi ko.
Sinilip ko ang reaksyon niya at bahagya siyang ngumiti na parang pinipigilan tumawa. Lalo ako namula, jusko lord gusto ko na lang lamunin ng lupa! I can't stay here anymore.
Kumaripas ako ng takbo at lumabas ng library ramdam kong sinundan niya ako ng tingin. Shit! Shit! Shit! NAKAKAHIYA KA ELISE!
Bigla naman akong napasalampak sa sahig.
"Ouch!" Sabay naming sambit habang hawak ang balikat namin.
A/N
Tell me what you think, comment your thoughtsThank you for reading hope you enjoy it!
BINABASA MO ANG
My Crush Will Be Mine [On Going]
Teen FictionDo you have a long-time crush? Yung tipong baliw na baliw ka sa kanya, kapag nakikita mo siya para kang hihimatayin sa tuwa. Naisip mo na rin ba na "what if umamin ako na crush ko siya?, what if iwasan niya ako kapag inamin ko?, what if gusto rin pa...