"Ok class igugroup ko kayo sa apat. Bawat grupo ay may walong myembro. Bubunot dito sa box ang lider at yon ang magiging myembro nito. Nakuha ba?" Tanong ng aming Filipino teacher.
Filipino week na kasi next week kaya mamimili siya ng grupo na magpeperform sa stage at may plus daw direct to the card daw.
Wala naman akong iteres na magka-plus points sa card dahil di naman ako grade concious. Hindi naman kasi ako matalino at lalong di ako masipag sa pag-aaral.
Nakakatamad kayang mag-aral, hindi naman ako yayaman kapag nagseryoso ako e. Tataas lang grades ko tapos tataas lang din ang expectation sakin e ayoko ng ganon gusto ko chill lang. Ayoko ng kahit anong pressure mula sa ibang tao.
"Ang lider ng grupo ay ang mga top achievers. Melvin, Draven, Hannah and Daisy pumunta na kayo dito sa harapan para bumunod ng magiging kagrupo niyo." Utos ng aming guro.
Agad namang tumayo ang apat na lider. Unang bumunot ang rank 1 na si Melvin. Whooo buti na lang di niya ako kagrupo dahil gusto kong kagrupo si Draven.
"Sana kagrupo ko si Draven" Paulit-ulit na panalangin ko habang naka cross finger at nakapikit.
Sumunod na si Draven na bubunot dahil siya ang rank 2 samin.
"Francis, member #2, member #3, member #4, member #5, Walter......"
Hala bakit di pa rin ako nabubunot? Please please sana mabunot ako please lord please!
"Elise...."
"Whooooo sa wakas! Yes! Yes! Waaaaa yehey! Kagrupo ko siya yes! Thank you lord!" Sabi ko sa isip ko yan hahaha ang saya ko grabe. At naka-ngiti naman sakin si Zyra dahil alam niya yun ang gusto kong mangyari.
"And Vallerie"
"Whatttt the---- Bakit kagrupo pa namin yon? Badtrip naman oh! Ok na eh masaya na ako e kaya lang may asungot pa haysss" Sabi ko sa isip ko. At napabuntong hininga.
Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Vallerie. Tuwang-tuwa ang linta. Kainis! Bakit pa kasi siya nabunot ni Draven e. May kaagaw pa tuloy ako sa atensyon niya haysss.
Zyra's POV
Kawawa naman itong si Elise, kita ko sa kanya ang pagkadismaya dahil sa narinig niya. Sino ba namang matutuwa na may haliparot kang kagrupo na umaaligid sa crush mo diba.
Kagrupo ko nga pala si Melvin yung iniligtas ko nung nakaraang araw. Hindi ako naging lider dahil rank 7 lang ako.
Di naman ako masyadong grade concious basta ginagawa ko lang yung mga dapat gawin tulad ng magreview tuwing may quiz o exam, gumawa ng assignments at project bago gawin yung hindi mahahalagang bagay. Basta inuuna ko yung priorities ko bago yung kaligayahan.
Hindi katulad nila Melvin at Draven na parang puro libro ang hanap, di marunong magsaya puro aral ang alam.
"So anong plano mo?" Tanong ko kay Elise at saka sumubo ng kanin.
Malungkot pa rin ang ekpresyon niya. Wala ata to sa sarili niya at hindi man lang ako narinig.
"Hoy Elise! Ano ka ba papatalo ka ba dun sa linta na yon?" Medyo pasigaw kong tanong at hinampas ng konti ang table.
Medyo napalundag naman siya sa gulat at bumalik ang diwa niya sabay tingin sa akin.
"Hindi" malungkot niyang sabi.
"E bakit ganyan mukha mo? Mukhang pasuko ka na. Labanan mo!" Sabi ko.
"Pano ako lalaban e mas maganda yun, mas matangkad at mas matalino, rank 15 siya e ako rank 28 lang" nakasimangot na saad niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223182048-288-k387351.jpg)
BINABASA MO ANG
My Crush Will Be Mine [On Going]
Teen FictionDo you have a long-time crush? Yung tipong baliw na baliw ka sa kanya, kapag nakikita mo siya para kang hihimatayin sa tuwa. Naisip mo na rin ba na "what if umamin ako na crush ko siya?, what if iwasan niya ako kapag inamin ko?, what if gusto rin pa...