"Naku sorry" Paghingi ko ng tawad sabay lahad ng kamay upang tulungan siyang tumayo."Sorry din, teka bat sobrang pula mo?" Puna niya. Hala napansin niya, anong ssabihin ko?
"Ah-eh ano kasi nakita ko crush ko kanina" Nahihiya kong sabi.
"Anyways, I'm Elise Delamor" Pagiiba ko ng topic, inilahad ko ang naman ang kamay ko upang pakipag shake hands.
"I'm Zyra Aguire" Inabot naman niya ang kamay ko.
"Transferee ka ba dito?" Tanong ko.
"Ah oo kasi nilipat ako ng erpat ko" Sagot niya.
At yon nagsimula na kaming magchikahan. Alam niyo pansin ko lang medyo parang tomboyin tong isang to.
Nabanggit niya kanina na ang papa lang niya ang nagpalaki sa kanya kaya siya siguro ganon kumilos.
Magkatabi nga pala kami ni Zyra ng upuan kaya tuloy-tuloy ang chika namin hanggang uwian. Sa dami ng pinagkwentuhan namin e saglit kong nakalimutan ang kahihiyang ginawa ko kanina.
"Elise mauna na ako nandyan na erpat ko kita na lang tayo bukas." Aniya at nagmadaling umalis.
"Sige ingat" sigaw ko habang kumakaway sa ere.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang strap ng backpack ko habang tulalang naglalakad.
Nahagip naman ng mata ko ang nagpapabuo ng araw ko. Kumaripas ako ng takbo at hinabol siya papuntang parking lot kung saan naka park ang mga kotse, motor at bike ng mga nag-aaral at nag-tatrabaho dito.
"Draven!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya.
Sinilip niya ako ng tingin. Palaging walang emosyon ang mukha niya.
Binuksan niya ang lock at kinalas ang kadenang nakapalibot sa bike niya. Ganoon rin ang ginawa ko.
Hindi niya ako hinintay at nagpedal na siya palayo. Binilisan ko naman ang kilos ko para maabutan siya.
"Draven! Wait! Hintayin mo 'ko!" Sigaw ko ngunit ngiting ngiti pa rin ako dahil makakausap ko na naman siya. Binilisan ko pa lalo para maging magkapantay na kami.
Tama lang ang takbo ng pagpedal niya. Sinisilip-silip ko siya ng konti at tumitingin ulit sa daan.
"Draven may kaibigan ka na sa room?" Pagbasag ko ng katahimikan.
"Wala" Tipid niyang sagot.
"Ang bait ng adviser natin no?" Sabi ko.
Wala naman siyang naging imik.
"Alam mo ba may naging close na ako sa room" Pagkukwento ko.
"Si Zyra nga pala yung katabi ko medyo tomboyin." Dagdag ko nung napansin kong di naman siya magsasalita.
"Siguro kaya siya naging ganon kasi papa lang niya ang nagpalaki sa kanya habang ang mama niya ay nasa ibang bansa..." Halos nakwento ko na sa kanya yung buhay ni Zyra ngunit di pa rin siya umiimik.
Ano kaya problema non? Simula kasi pagkabata di na sya naimik ewan ko ba kung pipe ba siya o ayaw niya lang makipag-usap sakin pero sure naman ako di siya pipe dahil nagsasalita naman siya paminsan minsan.
Trip niya lang siguro di magsalita o baka nahihiya lang siya makipag-usap kaya ganon.
Napansin kong wala na siya sa tabi ko. San na naman ba yun nagpunta?
Iniwan na naman ako sa ere. Di man lang nagpaalam na aalis na siya.
E ang shunga ko rin e kanina pa ako nakalagpas sa bahay medyo malayo-layo na to kumpara nung kahapon.
Nasapo ko ang ulo ko at bumalik ng daan patungong bahay. Sinulyapan ko ang bahay nila at tahimik lang iyon dahil mag-isa lang siya ngayon sa bahay dahil nasa work pa magulang niya.
"Oh kamusta ang unang klase?" Tanong ni mama.
"Ayos naman po ma, may bago na akong kaibigan transferee siya, maganda siya medyo tomboyin nga lang pero mabait naman ma" Sagot ko.
"That's good, sige na bihis ka muna at kakain na tayo." Aniya.
"Opo ma" Agad naman akong umakyan sa 2nd floor dahil naroon ang kwarto ko. Inilapag ko lang ang bag ko at nagpalit ng damit.
Sinilayan ko muna ang kwarto ni Draven at nakita kong nagbabasa na naman siya ng libro.
Bumaba ako sa kusina upang sabayan ang mama kong kumain. Pag balik ko sa kwarto nakita kong nagbabasa pa rin siya ng libro. He looks handsome when he's serious at naka focus sa isang bagay.
"Draven?" Tawag ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Medyo iritado dahil na istorbo ko ang pagbabasa niya.
"May assignment ka na?" Tanong ko.
Bigla lang niyang sinarado ang bintana ngunit di pinatay ang ilaw dahil bahagyang maliwanag pa rin sa kwarto niya.
Busy siguro hayaan ko na lang muna.
Ok it's time to watch kdrama! Whaaa KDRAMA IS LIFE talaga mga bes. Super kakilig promise!
--The Next Day--
Nakatitig ako kay Draven habang seryoso siyang nakatingin sa Math teacher namin. Sana all nakikinig.
"Who can solve this equation?" Tanong ng teacher samin.
Mukhang walang gustong sumagot, yung iba kunwari may binabasa sa notebook makaiwas lang na tawagin ng teacher. Yung iba naman kunwari may sinosolve sa notebook.
Sino ba namang hindi gagawa ng paraan para 'wag mapansin ng teacher para sa recitation diba. I hate Math talaga, walang pumapasok sa utak ko.
"Ms. Delamor?" Kunot noong tawag sakin ng teacher ko.
"Uyy Elise tawag ka ni Ma'am" Siniko naman ako ni Zyra dahil lumilipad ang utak ko.
Napatayo naman ako bigla. "Ano po yun ma'am?"
"I said solve this equation in front" Sabi niya at mukhang nagpipigil ng galit.
Patay tayo diyan! Pano ko 'to sasagutan? E wala ngang pumasok sa utak ko kahit konti e. 'Di kinaya ng brain cells ko.
Kumuha ako ng chalk at sinubukang isolve ang equation. Ano bang unang gagawin dito? Kailangan pa ba 'to sa buhay? Bakit kailangan ko pang sagutan 'to? Hindi naman 'to kailangan sa trabaho. Bakit ba kasi pinag-aaralan pa 'to badtrip e.
Habang seryoso ako sa pag-iisip kung pano sagutan ang equation ay bigla namang dumating ang head ng teachers.
"Good Morning 11-Maxwell" Seryosong bati samin nung kalbong head teacher.
Good morning din kalbo! Gusto ko sanang sabihin yon e kaya lang 'wag na lang baka mapunta ako sa guidance.
"Good Morning Sir Danny!" Bati naming lahat at tumayo sila, syempre nakatayo na ako kaya sila na lang ang tatayo.
"Class meron kayong bagong kaklase. Kakarating lang nila kahapon galing U.S. I hope kaibiganin niyo siya."
Nakatitig ako sa lalaking matangkad, ang gwapo niya pero walang tatalo kay Draven ko.
A/N
Tell me what you think
I hope you like it
Thanks for reading!
Vote&Comment
BINABASA MO ANG
My Crush Will Be Mine [On Going]
Ficção AdolescenteDo you have a long-time crush? Yung tipong baliw na baliw ka sa kanya, kapag nakikita mo siya para kang hihimatayin sa tuwa. Naisip mo na rin ba na "what if umamin ako na crush ko siya?, what if iwasan niya ako kapag inamin ko?, what if gusto rin pa...