Zyra's POV
Huminto kami sa music room habang habol-habol ang hininga.
"Thank-you-nga-pala-sa-inyo-ha" Sabi nung lalaking tinulungan ko kanina habang habol pa rin niya ang hininga niya.
Lahat kami ay hingal pa rin mula sa pagtakbo upang takasan yung kalbong teacher.
"Ako pala si Melvin Castillo." Naglahad siya ng kamay sakin. Tinitigan ko muna siya bago makipagkamay.
"Zyra." Tipid kong sagot
At naki pag-kamay naman sila kila Elise at don sa kasama niya lalaki, 'bat niya ba kasama yon? Sa pagkakaalam ko yun yung kaklase naming galing U.S.
Naglakad na ako pabalik sa classroom at sumunod naman yung tatlo. Tumabi naman sakin si Melvin habang nasa likod namin yung dalawa.
Ramdam kong nakatitig sa akin tong si Melvin, ano problema nito? Parang may gusto siyang sabihin pero di nya masabi.
"A-um, Z-Zyra thank you kanina sa pagtatanggol sakin." Utal niya sabi.
"Oks lang pre sumbong ka lang sakin ako uupak don" pagmamayabang ko habang tuloy tuloy ang maangas kong lakad.
Nakarating kami sa room na kaunti pa lang ang estudyante dahil medyo maaga pa kami nakabalik at may 15 mins. pang natitira.
Bumalik kami sa kanya-kanyang upuan. Katabi ko si Elise at nasa likod naman niya yung galing U.S at nasa likod ko naman si Melvin.
"Elise, bakit kasama mo yung galing sa U.S?" Pabulong kong tanong. Ayoko naman marinig yun ng iba dahil nasa likod lang namin ang pinag-uusapan.
"Ah si Walter ba? Nagkita kami kanina sa library" Sagot niya.
"Bat ka naman pumunta sa library?" Takang tanong ko. Mula kasi kahapon nasa library na siya tapos nagkabungguan pa kami paglabas niya at pulang-pula ang mukha niya.
"Sinundan ko kasi Draven, gusto ko sana siyang tabihan at kausapin kaso--" At bigla naman siyang ngumuso at nag-nap sa table namin.
"Kaso?" Tanong ko.
"Kaso naunahan ako huhuhu ang sakit sakit makita na magkasama sila bruu" hikbing sabi niya.
"Sino naman yung Draven?"
"Ayun oh si Draven yung crush ko" Malungkot niyang sabi at tinuro ang lalaking nasa kabilang row lang pero kalinya namin.
"E sino naman yung kasama niya?" Pag-uusisa ko.
"Si Vallerie!" Galit niyang sagot at umirap.
Di ako nakaimik dahil naaawa lang ako kay Elise.
"Pano yun bruuu wala naman akong laban don e mas maganda yon" Matamlay niyang sabi.
Kawawa naman tong si Elise tulungan ko kaya siya tutal marami naman ako alam. Hep! Mali ang iniisip niyo, marami akong alam dahil kay erpat lagi siyang nagkukwento kung paano niya napapaibig ang mga magagandang dilag at isa na don ang mama ko.
"Uyy bruu?" At bigla naman ako niyugyog sa balikan ni Elise.
Bigla akong nakaisip ng ideya kung paano siya makikipag-kompitensya sa babaeng yon.
"Ako bahala sayo pre" nakangising sabi ko.
Elise's POV
Hindi ko alam kung anong binabalak nitong si Zyra pero may tiwala ako sa kanya. Bago pa man ako makapagtanong kung anong plano niya e dumating na ang teacher namin sa English.
Whooooo Nose bleed mga bes 'di keri ng ilong ko. Di ko alam kung san ba ako magaling na subject pero mukhang lahat ata ng subject 'di keri ng utak ko. Di ko nga alam kung may utak pa ba ako e Hahaha.
Tumingin ako kay Draven at nahuli ko siyang nakatingin sakin pero bigla siyang nag-iwas ng tingin.
Waaaaaa kinikilig ako bat siya nakatingin sakin? Gusto niya rin ba ko? Wait masyado akong assuming baka napatingin lang yung tao.
Umayos ako ng upo at inayos ang buhok ko ayoko naman magmukhang ewan sa harap niya no.
Pagkalabas ng teacher ay bigla naman ako hinigit ni Zyra papunta sa soccer field.
"Ok ganto gawin mo. Sabayan mo palagi si Draven pauwi. Huwag mong hahayaan na maunahan ka ulit nung babaeng yun ok?" Pagpapayo niya sakin.
Kahit medyo naguguluhan ang utak ko ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Ok sige, thank you" nakangiting sagot ko.
Sinuklian naman niya ako ng ngiti at tinap ang ulo ko.
"Ano pa hinihintay mo pumunta ka na sa parking lot at baka maunahan kapa ng linta" Sabi niya at bahagyang tumawa.
Bigla naman ako natauhan at kumaripas na ng takbo papunta sa parking lot.
Naku lagot wala na dito yung bike niya lintek baka naunahan na naman ako ng babaeng yun!
Nagmadali ako kalasin ang kadena sa bike ko at todo sa pagpedal para maabutan ko si Draven.
Nahagilap ng mata ko na naglalakad si Vallerie at mabagal naman ang takbo ni Draven sa bike niya.
"Draven pwede ba ako pumunta sa bahay niyo para magpaturo sa math?" Dinig kong sabi ni Vallerie. Aba hindi ako makakapayag na magdala siya ng babae sa bahay nila no at isa pa wala ang magulang niya don baka ano pang gawin niya sa Draven ko.
"Draven! Draven sabay na tayo!" Tawag ko at bigla naman silang napalingon dahil nasa likod na nila ako.
Nakatitig lang sila sakin at ako naman todo ngiti sa kanila. Medyo iritado ang tingin sakin ni Vallerie pero tuloy lang ang pag ngiti ko.
"Uhmm Vallerie diba doon yung daan papunta sa bahay niyo?" Inosenteng sita ko sabay turo sa kabilang kanto.
Napairap siya ngunit di niya yon pinahalata kay Draven.
"Uhmm sige una na ako sa susunod na lang Draven" nakangiting sagot ni Vallerie. Hmmp mapagpanggap! Mabait lang kapag kaharap si Draven.
Tiningnan ko lang siya hanggang makalayo at paglingon ko kay Draven ngumiti siya at nagpedal na.
"Uyy teka lang hintayin mo 'ko" Sigaw ko saka nagpedal.
A/N
Thanks for reading😊
Tell me what you think.
Comment your thoughts.
Keep voting!
BINABASA MO ANG
My Crush Will Be Mine [On Going]
Teen FictionDo you have a long-time crush? Yung tipong baliw na baliw ka sa kanya, kapag nakikita mo siya para kang hihimatayin sa tuwa. Naisip mo na rin ba na "what if umamin ako na crush ko siya?, what if iwasan niya ako kapag inamin ko?, what if gusto rin pa...