SIMULA

518 72 29
                                    

SIMULA

Mark Bernabe Gueverra; Markus Armstrong sa RPW. Isang eighteen-year-old, Grade-12 student-- na walang oras pagdating sa totoong pag-ibig. Simple lang naman ang buhay ko na kasama ang magulang ko. Ang mahalaga lang sa akin makakain ng tatlong beses sa isang araw; at syempre, ang cellphone ko.

Nalaman ko ang RPW sa mga kaklase ko. Uso sa school namin, kaya naki-uso na rin ako. Gusto ko lang talagang lumandi sa mga babae nang hindi nagkakaroon ng girlfriend, kaya gumawa ako ng RP account. Pinaniniwalaan ko kasi na problema ang magkaroon ng girlfriend. Una sa lahat, magastos. Pangalawa, sakit sa ulo. At pangatlo, hindi mo magawa ang mga gusto mong gawin. Para kang nakakulong sa kamay nila at parang hawak nila ang buong buhay mo.

Tahimik naman ang mundo ko, e. Nagulo lang, simula no'ng dumating ang isang babae sa buhay ko.

***

Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko no'ng una akong pumasok sa RPW. Mararamdaman mo ang tunay na kasiyahan dito sa pekeng mundo, dahil sobrang layo nito sa katotohanan at sa totoong buhay mo.

Gusto ko lang talaga malibang ang sarili ko kaya nag-RPW ako. Marami akong natutunan dito: kalokohan, katangahan; at nagkaroon ng kaibigan—kahit hindi mo sila kilala sa totoong mundo. Lahat talaga nang hindi mo p'wedeng gawin sa totoong mundo, p'wede mong gawin dito sa pekeng mundo.

Ngunit, tunay nga bang may totoong pagmamahal dito? Ang alam ko kasi ay nasa pekeng mundo ako, kaya peke rin ang pagmamahal dito.

***

June 18, 2019.

: Hoooooy!

Chat ng isang babae sa 'kin. Sa raming kong ka-chat, hindi ko siya pinansin. Lumipas ang isang oras, nagchat ulit ito sa 'kin.

: Hoy, pansinin mo ako.

Hindi ko ulit siya pinansin, at wala akong balak na pansinin siya. Isang oras pa ang lumipas, nag-chat ulit ito.

: Hoy, pansinin mo naman ako.

Sa pagkakataong ito, ni-like zone ko siya.

: Like mo ko?

; Tanga ka ba? Wala akong balak kausapin ka!

Nainis ako sa kakulitan niya kaya ko na-ireply iyon. Alam ko namang mali talaga 'yong sinabi ko—pero kahit nasabi ko 'yun, wala pa rin akong paki' sa kaniya.

: Okay lang, pasensya kung makulit ako.

Hindi ko na siya nireplyan no'n, pero patuloy pa rin siya sa pag-message sa 'kin. Dalawang araw na tinatadtad niya ako ng chats, kahit 'di ako nagre-reply sa kaniya; at wala pa rin pagbabago, wala pa rin akong paki sa kaniya. Hindi ko ito sini-seen kasi hindi ko naman siya kailangan.

Sa ikatlong araw, ang aga ko no'ng nagising at dahil offline pa noon ang aking mga ka-chat, sinubukan kong i-seen ang messages niya sa 'kin at ito ang kumuha ng atensyon ko...

: Good morning!
: Kumain ka na ba?
: Good afternoon!
: Ginagawa mo?
: Good evening!
: Replyan mo naman ako.
: Good night!

Nagulat talaga ako at sobra akong humanga sa kaniya, kasi hindi ko naman siya kilala tapos tatadtadin niya ako ng message na parang kaibigan o boyfriend niya ako. Ewan ko ba, I feel so special. Kasi sa lahat ng ka-chat ko, ni-isa walang gumawa ng ganiyan para sa 'kin. Pamula umaga hanggang gabi, minu-minuto akong kinakamusta 'tsaka ramdam na ramdam mo 'yong care kapag binabasa mo 'yong messages niya—kaya nagdesisyon na akong reply-an itong babaeng 'to.

I Met Her In RPW [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon