KABANATA 3

155 46 3
                                    

KABANATA 3

(Kheina's POV)

"Hoy, Kheina! Gising na, bababa na tayo," saad ni Mark kasabay ng pagtapik niya sa pisngi ko.

Agad kong minulat ang mga mata ko at umalis sa pagkakasandal sa balikat niya. Agad na tinanggal din ni Mark ang kamay niya na naka-akbay sa akin.

"Ano, tara na?" tanong ko habang nakangiti sa kaniya.

"Tara na, baba na tayo!"

Tumayo ako at gano'n din si Mark. Hila-hila ko ang kamay niya pababa ng bus.

"Oh, 'di ba kayo 'yong kaninang magkaibigan daw kunwari?" tanong ni manong na nakatingin sa pagkakahawak ko sa kamay ni Mark.

"Opo, magkaibigan lang po talaga kami," sagot ni Mark kasabay nang pagbitaw niya sa pagkakakapit ko; at napangiti si manong.

"Ahm.. Magkano po ba ang pamasahe, Manong?" tanong ko.

"Two-hundred na lang sa inyong dalawa, discounted na. Natutuwa ako sa inyo simula no'ng sumakay kayo kanina. Naaalala ko ang pagkabata ko sa inyo," paliwanag nito at ngumiti sa amin ni Mark.

"Sobrang laking discount naman po no'n, manong," sabi ni Mark.

"Walang problema 'yon, utoy. Pinasaya niyong dalawa ang araw ko. Nakikita ko sa inyo ang kabataan ko, no'ng ganiyan pa ang edad namin ng asawa ko."

"Naku, Manong. Magkaibigan lang po talaga kami. Magkapitbahay rin po kami kaya ganito kami ka-close," nakangiting sabi ko.

"Oh, sige na. Baka mahuli pa kayo sa pupuntahan niyo."

"Sige po, Manong. Salamat po," paalam ni Mark.

"Maraming salamat po, Manong. Ingat po kayo sa biyahe!" wika ko.

"Saan ba kayo pupunta?"

"Sa Universidad de Manila po," sagot ni Mark kay manong.

"Mag-eentrance exam kayo?" sunod na tanong nito.

"Ay, hindi po. May itatanong lang po kami ro'n," tugon ni Mark.

"Ah.. Sige. Alam niyo na ba papunta roon?"

"Hindi pa po, eh," sagot ni Mark at napa-iling ito.

"Ano!? Hindi mo talaga alam kung saan tayo pupunta?" gulat na tanong ko kay Mark.

"Hindi, ngayon lang ako pumunta sa Manila na hindi kasama sila mama," sagot niya. "Syempre, tamang google ka lang." Sabay tumawa siya at tumawa rin si manong.

"Oh, sige. Nasaan tayo ngayon?" tanong ko.

"Florida Bus Terminal Sampaloc Manila."

"Tama siya," tugon ni manong.

"Oo na, sige na. Panalo ka na!" aniko at iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

"Kung papunta kayo ng Universidad de Manila sa may Mehan Garden, 15 minutes ang biyahe simula rito papunta ro'n gamit ang tricycle," saad ni manong.

"Wow! Kagaya siya ng nandito sa google," sabi ni Mark habang nakatingin sa cellphone niya at hangang-hanga kay manong.

"Doon, may nakapilang tricycle," turo sa amin ni manong.

"Salamat po, Manong. Napakalaki po talaga ng naitulong niyo sa amin," masayang sambit ko.

"Maraming salamat po talaga manong," tugon ni Mark kasabay nang pagkamay niya kay manong.

"Tandaan niyo itong sasabihin ko," wika ni manong na kumuha ng atensyon naming dalawa ni Mark.

"A-ano po iyon, Manong?" tanong ko na para bang kinakabahan.

I Met Her In RPW [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon