KABANATA 4
(Mark's POV)
"Ano, tara na?"
"Tara na!" nasasabik na tugon ko kay Zandra.
"Ay, hintay lang pala. Tatawagan ko muna ang driver ko," saad nito at lumayo muna ito sa amin habang tinatawagan ang driver niya.
"Hoy, Kheina! Kamusta ka naman?"
"Masaya. Masaya ako para sa'yo. Matutupad na ang wish mo na makita si Eunice," sagot nito at ngumiti sa'kin.
"Salamat sa'yo, ha. Salamat kasi sinamahan mo ako rito. The best ka talagang kaibigan, Kheina."
"Ano ka ba? Wala iyon. Sino pa ba ang magdadamayan, 'di ba tayong dalawa lang din naman?" nakangiting tugon niya.
"Tama ka, tayong dalawa lang din ang magtutulungan. Hayaan mo, makakabawi rin ako sa 'yo," sambit ko kasabay ng pagkapit ko sa balikat niya at ngumiti ulit ito sa'kin.
"Aawatin ko muna ang pag-uusap niyo, ha. Hintayin na lang daw natin siya sa gate," saad ni Zandra.
"Siya, tara na!" masayang sambit ko; at sinimulan namin ang paglalakad papuntang gate.
"Hindi ba sinabi sa 'yo ni Gracie na may sakit siya no'n?" tanong ni Zandra sa akin.
"Wala siyang binabanggit sa akin na kahit ano tungkol sa sakit niya. Hindi ko nga alam na may sakit siya, eh. Kaya nga nagtaka ako noong bigla siyang nawala. Hindi man lang ito nagpaalam sa akin, wala talagang clue kung bakit siya nawala."
"Masyado talagang mapaglihim si Gracie, wala pa rin siyang pinagbago. Mas gugustuhin niya na itago na lang ang mga problema niya kaysa sabihin ito kahit kanino. Mas gusto nitong sarilihin lahat, kaysa problemahin pa ng iba," saad nito.
"Ikaw, alam mo ba na may sakit siya?"
"Hindi rin, wala siyang sinasabi sa akin na kahit ano. Wala siyang sinabi kahit 'yung nararamdaman niya bago umatake 'yong sakit niya," sagot nito sa tanong ko.
"Pati pala sa'yo, wala ring sinabi si Eunice."
"Alam mo, hindi talaga ginagamit ni Gracie ang name na Eunice. Kakaunti lang ang nakakaalam ng name niya na Eunice. Kahit sa facebook—Gracie lang ang name na ginagamit niya, kaya mahihirapan ka kung hahanapin mo siya. Kaya kanina no'ng nagtanong ka kay ma'am kung kilala si Eunice, kinutuban na ako na ikaw si Markus na ikinukwento niya sa akin," paliwanag niya. "Pero paano mo pala nahanap kung saan napasok si Eunice?"
"Nagbackread ako sa conversation namin kahapon at nang makita ko 'yung logo ng school sa uniform niya, agad na hinanap ko sa facebook kung anong school ba iyon. Ang alam ko taga-Manila siya, kaya naghanap ako ng mga school sa Manila. Kaya no'ng malaman ko na Universidad de Manila, tiningnan ko agad kung saan ito matatagpuan; at hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ito kaagad. Nga pala, Mark talaga ang name ko at Markus sa RPW."
"Mark pala ang name mo. Hanga ako sa'yo, ah. Talagang hindi ka sumuko na hanapin siya at 3 months kang naghihintay na babalik si Gracie," sambit niya at ngumiti ito.
"Sa totoo lang, susukuan ko na talaga siya. Bibitaw na sana ako sa kaniya kahapon nang bigla kong nakita 'yung picture niya na naka-uniform siya. Ayon na siguro ang pahiwatig na dapat hanapin ko siya at hindi sukuan."
BINABASA MO ANG
I Met Her In RPW [UNDER EDITING]
Teen FictionMaaari nga bang makahanap ng totoong pag-ibig, dito sa sinasabi nilang pekeng mundo? Paano kung 'yong taong dito mo lang nakilala at minahal mo ng sobra-- ay mawawala sa isang iglap lang? Ang Role Players World or RPW ay isang mundo para sa isang ro...