KABANATA 1

303 56 6
                                    

KABANATA 1

(Mark's POV)

Napaisip ako sa tanong sa 'kin ni Kheina. Paano nga ba kung bumalik si Eunice? Tatlong buwan na ang nakalipas simula no'ng nawala siya, kaya imposible na babalik pa siya.

"Hoy, bakit ka natulala riyan?" tanong sa akin ni Kheina.

"Ah.. wala. May naisip lang ako," sagot ko at napa-iling ako.

"Yieee.. Naiisip mo parin si Eunice, ano? Nami-miss mo? Mahal mo pa, 'no?" pabirong mga tanong niya habang kinikiliti ang leeg ko.

"Baliw ka talaga! Matagal na iyon, ha! Pati nakalimutan ko na siya. Naka-move on na ako!" singhal ko kasabay nang paghawi ko sa kamay niya.

"Naka-move on ka na nga, pero nasa puso't isip mo pa rin siya."

'Ang kulit talaga ng babaeng ito. Kapag ito sinapak ko, tigil 'to. Halata namang mahal ko pa si Eunice, eh. Kailangan pa bang tanungin 'yon?'

Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya, kasi totoo naman talaga na narito pa rin si Eunice at mahirap na kalimutan siya.

"Oh, natahimik ka? Hindi mo pa kasi aminin na mahal mo pa si Eunice," nakangiting sabi nito. "Mahal pa niya! Mahal pa niya! Mahal pa niya!" paulit-ulit nitong pang-aasar.

"Oo na! Sige na! Umuwi ka na!" Sabay hila ko sa kaniya palabas ng kwarto ko.

"Sige na, uuwi na ako," paalam nito.

"Sige, inga-"

"Mahal pa niya! Mahal pa niya! Mahal pa niya!" patuloy na pang-aasar nito habang papalabas siya ng bahay namin.

'May sapak talaga ang babaeng iyon, kulang siguro sa gamot 'yon at kulang sa kain.'

Papasok na sana ako sa kwarto nang biglang may tumawag sa 'kin.

"Mark!"

"Oy, Ma? Nariyan ka na pala, tulungan na kita riyan," aniko at tatakbo akong lumapit sa kaniya.

"Utoy, bakit parang nababaliw si Kheina palabas ng bahay natin? At sino ba 'yong mahal mo pa raw na isinisigaw niya?"

Kinabahan ako sa tanong sa'kin ni Mama. Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.

"Ah.. M-ma, wala iyon. Hindi siguro pinapakain sa kanila 'yong anak ng kumare niyo. At mama naman, 'di ba sabi ko sa inyo huwag niyo na akong tatawaging utoy ngayon. 18 na ako, Ma. Malaki na ako," palusot ko sa kaniya para maiba ang usapan. Hindi kasi ako sanay na mag-open ng mga problema ko sa mama ko.

"Oh, sige na, pogi. Ilagay mo na sa lamesa iyang pinamili ko."

"Yan ang gusto ko, Ma. Kapag ganiyan ang tawag mo sa akin, matutuwa talaga ako," natatawang sabi ko habang inilalagay sa lamesa ang mga pinamili niya.

"Sige na, utoy. Pumunta ka na sa kwarto mo, baka may gagawin ka pa 'tsaka kumain ka na rin, gutom lang iyan."

"Oy, ma. Pogi naman talaga ako, ah. Oh, 'di ba? Oh, 'di ba?" sambit ko habang nagpapa-cute sa kaniya.

"Oo na! Itulog mo na 'yan, anak."

"Si mama naman, oh. Napakasama sa 'kin. Anak mo ba talaga ako?" biro ko habang papalayo sa kaniya at tinawanan niya lang ako.

Nang pagpasok ko sa kwarto, napahiga na lang akong bigla at agad na pumasok sa isip ko si Eunice.

Ayaw ko nang pag-usapan si Eunice, kasi sa tuwing naaalala ko siya bumabalik ang lahat sa 'kin. Nasasaktan pa rin ako. Alam kong matagal na iyon pero nandito pa rin siya, mahirap talaga na kalimutan siya.

I Met Her In RPW [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon