"Hmmmm, anong oras na ba?" sabay hikab ko at unat. Pagtingin ko sa orasan....
"Fuck! I'm fucking late!!!" kaya dali-dali akong pumunta nang banyo at naligo na pagkatapos ay nagmadaling nagbihis at bumaba na kaagad.
"Oh? 'Buti naman at bumaba ka na. Halikana't kumain para sabay na kayo ng ate mo papuntang eskwelahan." sabi ni mama.
"Hindi na ma kasi late na ako mauuna na lang po ako sa kan'ya." paalam ko at nag mano na ako at umalis na.
Habang papuntang school 'di ko talaga maiwasang mag mura dahil sobrang daming tao at sobrang siksikan pa idagdag mo pa ang traffic, dyosme! Malala na talaga dito sa maynila.
Pero tiis-tiis lang dahil wala tayong magagawa.Pagdating ko sa school nakita ko ang mga tropa ko sa labas na naghihintay sa'kin. Sweet talaga ng mga kupal kaya love na love ko 'tong mga 'to eh.
Kumaway ako sa kanila and they wave back then naglakad na ako papunta sa kanila at nakipag-apir.
"Mabuti nalang at late ka parin," sabay tawa at nakitawa 'rin ang dalawa. Tsk, kaya binatukan ko sila isa-isa.
"Eh, sa late ako nagigising anong magagawa ko diba? 'Tsaka nakakatamad kaya," sabi ko sabay irap sa kanila kaya natawa na lang uli' sila sa'kin. Ano ako clown? ganun?
"Hahaha, tama na nga yan. Let's just go inside at baka nandyan na ang second subject teacher natin baka malagot nanaman tayo nito kaya let's go guys," at pumasok na kami. At 'buti nalang wala pa ang teacher namin kaya we feel totally relieved.
By the way I just want to introduce my tropa that I've been with for so how many years of existence.
They are:
Jaixa Alexa Anderson
----She's the oldest among us four and all I can say is that she's pretty mature for her age, actually she's 16 years of age, she's strict,beautiful and tall, she's the ate and the mother of the group.Joist Kim Aparente
-----She's the silent one but not snob, she's the smart ass in our group and she's also 16 years of age.Jill Andrei Legaspi
-----She's the sports lover and the war freak in the group, she's 15 years of age, she's the youngest among us.At ako naman si Aera Claire Villanueva ang talented sa grupo and I'm 15 years of age.
--------
Nagsimula na ang klase at sobrang boring. Tulog na nga ang kalahati ng klase eh, 'buti nga good student ako kasi kung hindi nako di talaga ako mag-kakainteres na pakinggan s'ya dyan.
Maya-maya tumunog na ang bell kaya pumunta na kami sa cafeteria para kumain though may baon naman ako mas trip ko lang talagang doon kumain at tumambay kasama ang tropa kong mga kupal.
Pagdating namin umupo na kami ni Jill at sina Jaixa naman ang kumuha ng kanilang pagkain at syempre sinalihan narin nila si Jill.
Then kumain na kami. Habang kumakain kami bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.
"Aera!" napalingon tuloy ako at nabaling naman ang atensiyon ng iba sa amin. Sa lakas ba naman ng boses ng tumawag sa'kin sinong 'di mapapalingon?
"Aera pwede ba akong makisalo sa inyo?" Tanong ni Renz. Kaya tumango ako. Wala naman kasing masama diba?
Titig na titig naman sina Jaixa sa amin kaya tumunghay ako at tinaasan sila ng kilay. At umiwas lang sila nang tingin.
At mukang 'di nakayanang 'di magtanong ni Jill at nagsalita."So, anong meron sa inyo?" nang dahil sa tanong n'ya bigla na lang nabuga ni Renz ang iniinom n'ya at napatawa naman ako. Kaya tiningnan nila kami na para kaming mga alien.
"Ano ba 'yang mga tanong n'yo!" sabi ko sabay tawa ulit .
"Kaya nga. Ano ba kayo mukha bang papatulan namin ang isa't-isa?Eww mandiri nga kayo." sabay tawa rin n'ya. They sigh in relief, as in sobrang lalim 'kala mo kung anong sobrang laking problema eh no?
"It's good to know na walang namamagitan sainyo," sabi pa ni Jill na tutol na tutol talaga kung malaman man n'yang may namamagitan sa'min ni Renz. Hmm, something's fishy eh?
"Uyy, bakit Jill? Gusto mo kayo nalang ni Renz?" tanong ko at ginatungan naman nila ng tawa at pang-asar.
"Hindi no! Ewww kahit s'ya nalang ang nag-iisang lalaki sa mundo hinding hindi ko s'ya papatulan! Hmp!" sabay irap at tayo n'ya at nagwalk-out. Kaya napatawa kami ng malakas.
"Sobrang defensive n'ya talaga kahit kailan," tumatawang sabi ni Jaixa. Tapos tiningnan n'ya ng nakakaloko si Renz.
"Oh, b-bakit? Ba't ka ganyan m-makatingin?" nauutal na tanong ni Renz habang naiilang. Haha, ang cute n'ya talaga.
"Hehe, ba't ka nauutal? Type mo si Jill no?" pang gagatong ko pa.
Dahilan para samaan n'ya ako ng tingin. Nag peace sign nalang ako."Tss, kalokohan. Bumalik na nga tayo sa classroom at malapit nang mag-time," naiinis n'yang sabi.
"Oo na. Haha, di ka talaga mabiro eh. Sensitive ka pre?" asar ko at nag tawanan kaming tatlo habang si Renz ay para nang puputok na bulkan sa sobrang Inis n'ya.
"Hahaha, ang sabihin mo wala s'yang balls kaya ganyan!" gatong pa ni Jaixa at humahagikgik lang si Joist. At dahil di na nakatiis si Renz sa pang-asar namin kaya ayon walk out King ang drama. Haha, bagay nga sila ni Jill walk out Queen din kasi 'yon eh.
"Hala ka Jaixa anong ginawa mo?" natatawa kong tanong sa kanya. At ang gaga pinakyuhan lang ako.
"Hehe, mga ate tara na po kasi baka ma late na po tayo malapit na mag bell," nangingiting sabi ni Joist samin. Kaya tumango nalang kami at tinapik ang ulo n'ya.
Hanggang sa magsimula ulit ang klase at hanggang sa mag-uwian ay 'di parin kami pinansin ni Renz.
Na guilty tuloy kami."'Yan kasi pa asar-asar pa. Hindi tuloy tayo pinapansin, " pangsisisi ni Jaixa kaya nabatukan tuloy namin s'ya.
" Wow, hiyang-hiya naman kami sayo no? Tsk, suyuin nalang natin bukas alam n'yo namang mas maarte pa 'yon sa'ting mga babae," pagpapaintindi ko pa sa kanila. Tanging tango at buntong-hingina na lang ang nagawa nila.
"Kaya umuwi na tayo. Ok?" nakangiti kong sabi sa kanila kaya napangiti narin sila at sabay-sabay na kaming umuwi sa aming kanya-kanyang bahay.

YOU ARE READING
The Wrong Love
RomanceIn our life there'll always be something wrong that can change our life into something else, something new, and something that can lead us to the right me and you. They said that sometimes we need to kiss the wrong man or a woman to find the right...