Chapter 2

8 2 0
                                    


Gabi na nang dumating ako sa bahay at as usual hinihintay ako ni ate sa sala. Ang caring talaga nang ate ko kaso pag nagalit talo pa ang dragon sa kakabuga ng apoy. You know what I mean readers .

"Akala ko nadaganan ka na ng jeep," bungad n'ya pagpasok ko.
Napakamot nalang tuloy ako sa batok ko.

"Sorry ate, sadyang traffic lang po talaga hehe," sagot ko.

"Ok, sige umakyat kana't matulog na. Maaga ka pang gigising bukas  para naman hindi ka na ma late," sabi n'ya at nauna nang umakyat.

Pagkatapos kung sarhan at i-lock ang pinto ay umakyat narin ako at natulog. Dahil bukas may operation 1O1 kaming gagawin. Ang title ay Paamuhin si Renz.

------------

Ngayon nandito na kami sa gate ng school nag-aabang sa pagdating ni Renz habang may dala-dalang bulaklak, pagkain, at banner na may nakalagay na Sorry na Baby Renz.

Potek nakakahiya pinag titinginan na kami ng ibang estudyante dito. May natatawa, kinikilig, at nag titili. Akala mo may celebrity eh, tsk.

At sa tagal nang paghihintay namin salamat naman at dumating na s'ya. Ang hinayupak ngiting-ngiti akala mo nanalo sa lotto eh. Hayy, kung 'di lang namin to mahal baka kanina ko pa 'to nasapak.

"Anong pakulo to?" tanong n'ya nang may pang-asar.

"Tss, baka may burol diba?" sarkastiko kong sagot. Kaya napasimangot s'ya at mag wa-walk out na sana pero pinigilan s'ya agad ni Jill.

"Uyy, ito naman niloloko ka lang ni Aera eh," pinandilatan n'ya ako at sinenyasan na mag sorry kaya napa irap na lang ako.

"Renz, I'm sorry. Ang pikon mo naman kasi eh. Hindi mo ba alam yung joke lang?" sabi ko sa kan'ya kaya sinamaan n'ya ako ng tingin.

"Grabeng sorry naman 'yan Aera sobrang nakaka melt ng nguso," naka-nguso n'yang sabi sa akin. Kaya napatawa na lang ako.

"Hahaha, sorry na talaga. Alam mo namang importante ka sa'min diba? Kaya wag kanang mag tampo, ok?" sabay yakap ko sa kan'ya.

"Hayy, oo na. Thank you pala sa pasabog n'yo sobrang na appreciate ko," sabay ngiti n'ya kaya napangiti na lang rin kaming apat. Sabay sabing....

"GROUP HUG!" natawa na lang kami sa mga kalokohan namin.

"Sige na tama na. May klase pa tayo baka nakakalimutan n'yo,"
paalala ni Jaixa sa'min. Nag tinginan kaming apat sabay sabing.

"Yes, Mama!" at sabay-sabay na kaming tumakbo papasok sa room na may ngiting nakapaskil sa aming mga labi .

------------

Pagkatapos nang klase sa buong maghapon, umuwi narin agad kami pero ang kasabay ko lang ngayon ay si Renz kasi nauna na kanina sina Jaixa pauwi.

"Aera," panimula ni Renz.

"Hm? Ano 'yon?" lingon ko sa kanya.

"Pwede mo ba akong samahan sa River Side bukas?" tanong n'ya sa'kin.

"Bakit? Si Jill na lang ayain mo siguradong gora agad 'yon panigurado," habang tinataas-baba ko ang aking kilay.
Napa-ismid na lang s'ya.

"Tss, ikaw na lang kasi. Sige na magkikita kasi kami nang pinsan ko. Please?" nagpapaawa n'yang sabi. Napabuntong-hininga tuloy ako.

"Oo na. Ang kulit mo masyado," sumusukong sagot ko. Halos tumalon naman s'ya sa sobrang saya.

" Sabi mo 'yan ha? Wala nang bawian. Sige na goodnight !" sabay pasok sa bahay nila. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami sa tapat nang bahay nila.

The Wrong Love Where stories live. Discover now