Nandito kami ngayon sa loob ng room namin, bakit? syempre dahil may pasok po kami. Pero myghad sobrang boring n'yang magturo kaya dumukdok na lang ako sa sarili kong desk at nakatulog na nang tuluyan.
Naalimpungatan ako dahil kanina pa may yumuyugyog sa akin.
"Aera! Aera!" sabay tapik sa'kin.
"Ano ba?! Kitang natutulog 'yong tao, eh!" pasinghal kong sabi sabay tabig sa kamay nang taong tumatapik sa akin.
"So, ganun? Hindi ka talaga gigising?" may inis na sabi ni Renz.
Umiling lang ako habang pinipigilan ang matawa."Ayaw mo talaga ha," 'di ko alam pero kinabahan ako. Nang biglang tumumba ang inuupuan ko kaya pati ako bagsak sa sahig .
"Ano bang problema mo?" iritado kong tanong sa kan'ya pero tawa lang ang itinugon n'ya. Dahil sa inis ko binatukan ko s'ya at nauna nang lumabas nang room.
"Uyy, sorry na. Ikaw naman kasi ayaw-ayaw pang gumising, 'yan tuloy," paliwanag n'ya at napahimas sa batok.
"Tss. So, kailangan talagang ibagsak ako?" at matalim ko s'yang tiningnan. Alanganin s'yang ngumiti.
"Ito naman. Sorry na alam mo namang way ko lang 'yon para magising ka," pang-uuto n'ya pa. Tss, kung alam ko lang gusto n'ya lang talaga akong pagtripan. Tsaka grabeng panggising naman 'yon diba? sobrang nakakainit nang ulo imbis nang puso.
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga sa cafeteria gutom na ako,"
"Grabe demanding talaga nang babaeng to," bulong n'ya akala naman n'ya 'di ko 'rinig. Napa-irap na lang ako.
"Nasaan pala sina Jaixa?"
"Ewan," walang gana n'yang sagot.
"Hoy! Umayos ka nga, pa'nong ewan? Akala ko ba magkasama kayo habang tulog ako?"
"Akala ko nga rin, eh," sabay nag buntong-hingina. Aba'y gago talaga 'to, tsk.
" Ano nga? Umayos ka nang sagot baka 'di kita matans'ya," malamig kong sabi sa kan'ya. Napatikhim s'ya.
"Hindi ko nga kasi alam. Basta sabi lang nila na may pupuntahan daw sila at wala silang sinabi kung saang lugar sila lalayas," bagot n'yang sabi.
"Ok, kumain na tayo,"
Pumasok na kami sa cafeteria at kumain.
"Aera, mamayang 4:30 pm natin kikitain ang pinsan ko," baliwala n'yang sabi kaya napakunot noo ako kasi may klase pa kami no'n 5:00 pm kasi ang uwian namin.
"Eh, may klase pa tayo no'n ah,"
"Hayaan mo na ngayon lang naman 'to, please?" nag puppy eyes pa ang loko 'di naman bagay sa kanya.
"Oo na basta ngayon lang 'to wala nang next time. Atsaka 'wag ka ngang mag ganyan para kang tanga," napasimagot s'ya dahil sa sinabi ko.
"Che!" at nagpatuloy na sa pagkain. Napatawa ako at nagpatuloy narin sa pagkain.
Pagbalik namin sa room nandoon na ang tatlo.
"Saan kayo pumunta kanina?" bungad kong tanong sa kanila. Nakakatawa ang mga reaksy'on nila gulat na gulat kasi. Lumaki ang mga mata nila na parang nakakita nang multo at pinagpapawisan pa nang malapot. Hayy, nako naman.
"Ano na? Nga-nga na lang, ganun?" at pumitik sa harapan ng pagmumukha nila at 'buti naman natauhan na. Si Renz naman tumatawa sa isang tabi.
"A-ah, W-wala Aera," nauutal na sagot ni Jaixa sabay tago nang kung ano man sa likod n'ya .
Binalingan ko naman nang tingin sina Jill at Joist at alanganing ngumiti at tumango sabay tago rin nang kung anong bagay sa likod nila.
"Ok, sabi n'yo eh," kibit balikat kong sabi. They sigh in relief.

YOU ARE READING
The Wrong Love
RomanceIn our life there'll always be something wrong that can change our life into something else, something new, and something that can lead us to the right me and you. They said that sometimes we need to kiss the wrong man or a woman to find the right...