Swear to mahabaging Joe Gdl. Napakasakit ng ulo ko ngayon sobra! Sumabay pa yung ubo't sipon ko ngayon. Oo! Ngayon lang, 'di ko nga alam kung nakauwi kami ng maayos kagabi. After naming makasama ang UPMBT.
Naglalakad ako ngayon papasok sa class ko. Habang hawak hawak ko padin yung ulo ko pati yung libro ko. Siguro gulo-gulo ang buhok ko ngayon. Dahil sa sobrang pagmamadali ko 'di ko na naayos.
"Hi!"
"Putangina!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Juan sa harapan ko kasama niya yung mga ka-team mates niya. Natatawa sila dahil sa reaction ko. Pero 'di ko na pinansin 'yon at agad na dinampot yung libro ko at notebook.
Agad naman akong tinulungan ni Juan. Pero pinatigil ko agad siya at ako na ang kumuha ng mga gamit ko.
"'Wag na ako na." Sabi ko pero hindi siya nagsalita. Patuloy parin siya sa pagtulong sakin.
"S-Salamat." Sabi ko at ngumiti naman ito sa akin, na dahilan para mamula ako. Pero iniwas ko ang tingin ko. Jusko! Juan Gerardo Sison Gomez de Liaño, sinasabi ko sayo second crush lang kita. Loyal ako kay Joe, sa hindi ka layuan may nakita akong pamilyar na lalaki na nakatayo sa may parking lot at nakatalikod ito sa may gawi namin. Busy ito sa kanyang telepono. Halatang may kausap pero--Punyemas! Si Joe ba yon?!
"Baka matunaw kapatid ko, Klover." Sabi ni Juan sa akin. Agad naman akong napatingin sa kanya at natawa nanaman siya sa reaction ko.
"What the hell? May nakakatuwa ba Juan Gerardo?" Seryoso kong sabi. Napa "ooh" naman mga kasama niya. Kita ko naman ang pagngiti ni Javi. Jusko Javier, agawin kita sa jowa mo eh, joke lang.
"Uh? Your reaction was so priceless Ms. Kloe Veronica Torres. Napaghahalataang gustong gusto mo ang nakakatandang Gomez De Liaño ah." gulat naman ako ng tawagin niya ako sa buong pangalan ko. Aba! Sumusobra na 'tong si Juan ah. Ekis na 'to sakin jusko.
"Ewan ko sayo. Malelate na ako Juan, tigil tigilan mo ko ah! Masama pakiramdam ko." Sabi ko at nilayasan na siya kasama mga kateammates niya at ang kapatid niya. Pogi ni Joe hihi. Kingina, I wonder ano kaya itsura ng-
Shit--- ang halay ng utak ko!
And I feel bad na nasungitan ko si Juan. Im sorry Juan, I'm effin sick tsaka masakit ulo ko huhuhu.
"KLOVER! Walang prof ngayon. May meeting daw sila, kaya maaga dismissal ngayon." Sabi sa akin ni Andrea na kaklase ko. Tumango lang ako sakan'ya at nginitian siya. Umalis naman agad ito kasama niya ang jowa niya. Inayos ko na ang sarili ko para makapunta ng canteen dahil gutom nako. Pero nakakailang hakbang palang ako bigla ng sumama pakiramdam ko. Huwag naman sanang abutin ako dito ng lagnat jusko. Wala pa mandin ang dalawang bruhilda. Dahil magkakaiba kami ng course.
Nagstay muna ako sandali sa room. Atsaka lumabas na at nagtungo ng canteen, after kong kumain. Pupunta ako ng clinic hihingi lang sana ako ng gamot para dito sa punyemas na hangover na hindi na ata. Dahil mukhang nilalagnat na ko.
Pero habang dumadami ang hakbang ko, ay siya namang mas lalong pagbigat ng pakiramdam ko. Gosh! Matawagan nga muna si Hannah or si Freya man lang. Papasundo nalang ako dito. Agad namang sinagot ni Freya yung tawag ko.

YOU ARE READING
Chase Me Joe
FanfictionKlover is just a typical--no not a typical girl. Hindi siya yung babaeng mala maria clara ang dating iba siya sa lahat ng babae. Kaya malaki ang confidence niya na hindi siya magugustuhan ng mga lalaki dahil sa kakaiba niyang ugali at pagasal. Pero...