8

151 4 0
                                    

AREA 2

Klover's POV

Dinig na dinig ko ang tawanan nila Ricci pagdating ko sa barbecue-han sa Area 2. I forgot the name of the bbq shop. Basta may barbeque yun na 'yon. And bish, nahiya ako kasi kasama nila si Kobe. Hindi lang pala si Kobe... buong UPMBT. Urats, naiilang tuloy ako.

No choice, lumapit nalang ako sakanila. Sinaksak ko nalang ang earphone ko sa selpon ko at hininaan ang volume para kahit papaano naririnig ko parin sila.


"Hoy, Klover!" Sigaw ni Ricci tinitigan ko lang ito ng masama. Nagpipigil na batukan 'to, nahihiya ako kasi nanjan ang UPMBT!!!!! Buti nalang wala si Joe. Pero nandito naman si Javi at Juan grrrr.


"Uh-oh badmood." Rinig kong sabi ni Hannah  at napailing naman si Freya sa sinabi nito. Inalis ko nalang yung earphones ko nakakabastos naman kung 'di ko sila pansinin. Nakakahiya 'yon pare chong.


"'Di naman. Kakainis lang 'tong si Ricci!" Sabi ko sabay tingin kay Ricci nag peace sign naman to sakin habang natawa naman ang iba. Joker na talaga ako sir, wala namang nakakatawa tumatawa sila huhu.


"Alam mo ba Kobe crush ka ni hsoenskosjsbsksosnsoakz---" Agad ko ng tinakpan ang bunganga nito ni Ricci. Paka daldal talaga kahit kailan, nakakainis. Mapapahamak pa ako dahil sa kaniya eh. Nahihiya tuloy ako kay Kobe na tumatawang nakatingin samin ni Ricci and at the same time curious siya.


"Yuck! Asim ng kamay mo Klover." Sabi ni Ricci. Inirapan ko nalang eto at biniraot siya.


"Ang ano naman neto ni Ricci." Sabi ni Jaydee at nagtawanan sila.


"Oy! Anong ano?! Pakita ko pa sayo 'tong alaga ko eh! 'Di ako bakla oy!" Sabi neto.


"Sabi mo eh. HAHAHAHAHAHA!" Sabi ni Jaydee tawa pa rin sila ng tawa. Hindi ko alam bat sila ganyan. Sobrang saya naman nila, hinayaan ko nalang sila magtawanan doon at namili nalang ng ipapaihaw.


"Kuya, pa ihaw nga po ng dalawang betamax, dalawang isaw, isang hotdog at isang barbeque hehehe. Salamat po!" Sabi ko rito at inabot ang bayad ko.


"Salamat din po miss. Kaano ano mo po yang mga pogi?" Sabi ni Kuya.


"Ah sila po ba?" Turo ko kila Ricci na nagaasaran pa rin. "Kaibigan lang po. Tapos yung isa jan future jowa HAHAHAHAHAHHAA." Sabi ko rito natawa naman si kuya sa joke ko. Oo guys, joke yon okay?


"Joke lang kuya baka seryosohin mo ah." Pag bawi ko sa sinabi ko dito. Baka kasi iissue pa ako nito sakanila. Mahirap na. 

Chase Me JoeWhere stories live. Discover now