Chapter 5

22 8 0
                                    

Passenger's Seat

•••••••

PAIGE'S POV

May kakaiba akong antok na nararamdaman kaya tumayo ako mula sa lamesa namin. At nararamdaman kong kanina pa titig ng titig sa akin si Cason.

Pumunta ako sa Science section para maghanap ng mga Primary sources. Hindi ako nagtitiwala minsan sa internet, mali mali.

May mga nakikita akong General Chemistry na book pero wala don ang mga sagot na hinahanap ko. May chemical equation kasi sa mga tanong dito ang hindi ko alam. Wala pa kasi natuturo si Ma'am Palacio tungkol dito kaya aasa muna ako sa sinasabi ng libro dahil dito rin naman bumabase ang mga teachers minsan.

Napapakunot noo ako ng hindi ko man lang magets ang isa sa mga to. Hindi ko alam kung bangag ako dahil wala masyadong tulog o talagang mahirap siya intindihin. Ibinalik ko yung kinuha kong libro sa shelf. Hanggang sa may pumukaw sa atensyon ko, may isang libro doon na naligaw sa Chemistry section, kaya agad ko yon nilapitan.

Nung kukuhanin ko sana ay biglang may humawak na bigla don sa libro hanggang sa pumatong ang kamay ko sa kamay niya.

Napatitig pa ako doon at unti unti kong binaling ang paningin ko doon sa taong yun. Laking gulat ko na si Cason yung tao na yun na may hawak sa libro.

Nagkatitigan pa kami tsaka nagkagulatan, inalis ko bigla ang paningin ko sakanya at tsaka ang kamay kong nakapatong pa sa kamay niya.

"Nabasa mo na ba yung libro na 'to?" tanong niya.

"Hindi. Di naman ako palabasa ng mga libro" sagot ko at tsaka tumalikod sakanya.

"Sandali lang, basahin mo 'to. Maganda to. Nabasa ko na to, try mo lang basahin" pagpigil niya.

Bumaling ako sakanya at tsaka niya inaabot ang libro.

"Eleanor & Park ang title niyan by Rainbow Roswell. Isa sa mga pinakapaborito kong novel. Basahin mo, kahit di ka mahilig magbasa. Magugustuhan mo yan" Pagpapatuloy niya. At tsaka niya inabot ang libro.

"Salamat" sagot ko at nagpaunang maglakad

"Wait." pigil niya sakin.

Inis akong humarap ulit sakanya. "Bakit?"

"Sorry" bigla niyang sabi.

"Bakit ka nagsosorry?"

May mga nagtatakang reaksyon sa mukha niya. Parang hindi niya alam ang susunod na sasabihin.
"Sorry dahil ano....ahhhh ano" utal niyang sabi.

"Ano ba yun? May kasalanan ka ba?" kunot noo kong sabi. Medyo nagtataka na ako sa kinikilos neto.

"Ah ano, yung sinabi ko kanina sa text....Sorry dahil don"

"Ano nga yon? Hindi kita magets." inis kong sabi. Hindi ko maintindihan kung ano ba dapat niyang ipunto sa akin. "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Kasi hindi pa ako tapos magsagot. Mag ta time na" pagpapatuloy ko.

"Hindi mo ba nabasa text ko sayo?" sagot niya sa akin.

"Alin don? Antok na antok na ako kanina."

"Yung huling text ko" takang sabi niya sa akin.

Kinuha ko yung phone ko at tsaka binasa ulit yung huling text niya.

"Hindi ka na sana nagrereply sa akin kung balak mo talaga matulog hehe ganon ba talaga ako ka special ^_^" sabi ko. "Yan yung huling text na nareceive ko"

PS. Forever Yours (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon