Chapter 25

10 0 0
                                    

Old Times

•••••••••

PHILIP AIZEN'S POV

I was bored reading all over again with my unending collection of books when the rain pours hard.

Nakahiga lang ako sa kama noong maramdaman ko bigla ang paghampas ng malakas na ulan mula sa balkonahe ng kwarto ko.

Kaya agad ako bumalikwas ng tayo noong isasarado ko ang pinto noon dahil binuksan ko yon bago pa man ako mahiga at magbasa.

Mas lalong ikinagulat ng mga mata ko noong maaninag ko si Paige na nakaupo sa damuhan sa hardin habang nakayuko sa kanyang mga binti.

"SHET" malakas na bulyaw ko sa sarili noong maramdaman ko na kailangan ko bumaba at ipasok siya agad sa bahay.

Kapag nakita siya nila daddy na nagpapaulan ng ganoon katagal sa labas ay paniguradong papagalitan siya.

Kaya agad na ako kumuha ng malaking payong at tuwalya, at agad na rin bumaba ng mabilis papunta sa labas.

Napatigil pa ako noong bigla na lang siya humiga doon na para bang hindi iniinda ang malakas na buhos ng ulan at ang malamig na hangin.

Napakatigas talaga nang ulo ng bata na 'to hangga't hindi nakikita nila daddy ay gagawin niya para sa sarili niya.

Natauhan na ako bigla noong kumidlat at kumulog na ng malakas, agad agad ko binuksan ang payong at tumakbo sa may hardin.

Umupo ako doon at hinarangan ng payong ang katawan at ulo niya na nababasa, nakapikit lang siya doon na para bang hindi nararamdaman ang presensya ko sa tabi niya.

Puti pa naman ang uniporme niya at puro dumi at putik na ang kabuuan non at talagang lagot siya kila manang na maglalaba doon dahil sa ginawa niya.

Hindi ko man makita sa mga mata niya kung ano ba ang rason kung bakit niya 'to ginagawa ay ramdam ko sa kinikilos niya ngayon kung bakit siya bigla na lang magpapaulan. Never in her life na naranasan niya magpaulan dahil konting ambon lang sakanya ay dinadapuan na siya agad ng sipon at lagnat, kaya talagang iniingatan nila mommy na hindi siya maulanan o kaya'y maalikabukan.

She has a weak immune system, everything bad that she will do will affect her health. Even heartbreak will be the cause of it.

Lol.

Hindi ko naman kinainggit ang pagbibigay nila ng buong atensyon sakanya dahil naiintindihan ko naman, kung sakali man na ganoon din ako ay ganoon din sila mommy sa akin na tutok na tutok sa pagbabantay. Mabuti na nga lang at malakas ang immune system ko at nilalabanan lahat ng sakit, sino ba naman ang may gustong magkasakit diba? Gastos lang yon.

Noong makatitig ako ng matagal sa kapatid ko ay parang gustong gusto niya ang paghiga doon habang bumubuhos ang malakas na ulan. Mukhang wala talaga siyang balak na tumayo doon hanggang sa tumila ang ulan.

Hindi ko alam at wala akong ideya kung bakit niya 'to ginagawa, dalawa lang yan...malungkot siya o sobrang saya, o kaya'y talagang trip niya lang.

Agad ko na siyang hinawakan sa braso at inalog alog doon.

"SSSSHHHHHH" pagbabawal niya sa akin.

Nagtaka lang ako at ipinagpatuloy lang ang ginagawa ko. "Ano ba yang ginagawa mo?"

"Gusto ko lang magpaulan"

"Bakit?! Ano meron?"

PS. Forever Yours (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon