Chapter 17 (I)

11 2 0
                                    

The First Dates (I)

•••••••

cont.
CASON'S POV

"Kailan ba 'tong deal na 'to?" tanong niya at hindi mapakali sa kinauupuan.

"Relax" tinapik ko ang likuran niya at hinawi naman niya kaagad ang kamay ko. "Hindi naman kita pinepressure pero parang ganun na nga.....I'll see you later"

"Mamaya? as in mamaya na ba yan? Eh may klase? You gotta be kidding me"

"Eh dahil advance ako mag isip, mamaya may magtetext sa'yo at sasabihin na walang klase mamayang hapon. Ganon ako ka special kay Lord, ibibigay niya sa akin agad" pagmamayabang ko sakanya at sumunggab ako ng kuha sa candy na binigay niya sa akin at sinubo 'yon.

"Ano ka? Si Doctor Strange?" kunot noo niyang tanong.

"Pwede naman, pero mas okay kung icheck mo yang phone mo baka may nagtext na sa'yo" ngumisi ako sakanya at umayos na ng upo, inapiran ko yung apat na humahalakhak din sa kakatawa.

"No"

"As what i've said earlier, saying No will be punishable by my own laws. If you say no again, then i'll be automatically winner. Gusto mo ba yun, nanalo ako dahil sa dalawang letra na sasabihin mo" ipinatong ko ulit ang siko sa lamesa at nangalumbaba, nagpacute pa ako sakanya at nagbeautiful eyes.

Kitang kita sa mukha niya na konting konti na lang ay masasapak ako ng wala sa oras, hindi ko alam kung bakit nakakadagdag sa buong pagkatao ko kapag nakikita ko siyang naiinis o naiirita sa akin.

"Puro ka yabang" aniya at tumayo na sa kinauupuan, sinundan na lang namin siya sa paglalakad pabalik ng building habang kami ay nagtatawanan na lima at siya naman ay seryosong seryoso ang itsura.

*BRIZK BRIZK BRIZK*

"Ooppss" ngumuso ako mismo sa bulsa niya noong marinig namin ang phone niya na nagvibrate.

Sinamaan muna niya ako ng tingin at bumaling sa bulsa niya at kinuha ang phone.

Napatigil kami lahat sa paglalakad noong tumigil din siya. Sumandal naman ako sa may poste malapit at nagpahalukipkip. Tinignan ko siya ng may mayabang na tingin at tsaka ko siya kinindatan.

"Wag mo na sabihin, alam ko na ang sasabihin mo. Sshhhhhh" magsasalita na siya noong iharang ko na bigla ang hintuturo ko sa bibig ko.

"Huwag kang feeling, nagtext lang ang mommy ko. Kapag pinapairal talaga ang kayabangan, napapahiya" ngumisi siya mismo sa mukha ko, at ginaya naman siya ng apat na siya na ang mismo ang kinampihan, at ako naman ang tinatawanan.

Hindi ko talaga alam kung mawawalan ba ng klase ng hapon dahil gusto ko na siya matalo mismo sa araw na 'to. Sinabi ko lang sakanya yon para makaramdam man lang siya ng kaba dahil ako ang makakaharap niya. Pero sana bigyan ako ni Lord ng blessings ngayon, dahil mapapahiya ako ng tuluyan kapag hindi yon natuloy ngayon.

Ngayon ko siya gusto ilabas ng kaming dalawa lang, wala sa plano ang idate siya ngayon pero dahil mapilit ang tadhana, kusa lang yon dumaan sa utak ko at hanggang sa yon ang lumabas sa bibig ko.

Hindi naman pupwedeng patawarin ko siya ng ganun ganun lang, kailangan ko din siya pahirapan gamit ang mapanukso kong utak.............

BWAHAHAHAHAHAHA.

Noong nauna na sila paakyat ng room ay para akong tanga na nagsisign of the cross at nagdadasal na magkatotoo ang dasal ko ngayon, alam kong hindi agad tutupadin ni Lord ang mga dasal at kahilingan pero hinihiling ko na sana iadvance niya yung sa akin.

PS. Forever Yours (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon