• 33/200 •

27 12 2
                                    


Sa bawat patak ng ulan aking naaalala
Mga araw at panahong ako'y lumuluha
Pagkat masayang pangyayari lungkot na ang dala
Na siyang dahilan kung bakit di na ako makatawa

Tayo'y nag umpisa sa isang simpleng "hi"
At unti unti mong kinulayan aking buhay
Ngunit hindi nagtagal tayo'y naghiwalay
Biglang nang iwan at hindi nag "goodbye"

Sa tuwing tutunog aking telepono
Mga bagay na ating pinag usapan ang naalala ko
Ngunit kirot sa puso tanging nararamdaman
Dahil ang mga ito'y hanggang plano na lamang

Maling mga bagay ay nais ko nang maayos at maitama
Ngunit aking mga mata'y wala paring pigil sa pagluha
Dahil pilitin ko man ang kalimutan ka na
Ito ay hindi ko parin makayang isagawa

Naaalala ko mga araw na kausap kita
Na tayo'y nagtatawanan at masayang masaya
Ngunit ngayon magbanggaan man sa kalsada
Walang imikan pagkat tayo'y tila hindi na magkakilala

Labis labis akong nasaktan
Mula ng ako'y iyong iwan
Tulad ko'y mamahaling tela
Na namantsahan ng pula

Hindi mo pinahalagahan pag ibig kot pagtityaga
Na tiyak kong hahanap hanapin mo kanino ka man mapunta
Dahil ikaw sa akin ay bangungot ngunit maganda
Mapanakit man ngunit natatangi at walang kapara...








************************************

Don't forget to :

  

   • Vote •                  &          • Comment •

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 // 𝐁.𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon