111/200

11 3 0
                                    

"Ibalik Ang Dating Tayo"
   Spoken Word Poetry

Written By : [ YanieWrites ]

- - - - - - - - - - - - - - - -

Ibalik ang dating tayo yung ikaw at ako,
Yung dating ikaw at ako
Saya at tawa doon
Kwentohan at harutan dito
Taga gising ko may magandang umaga
May kamusta at kumain ka na ba,
Noong nasimula pa tayo
Sobrang saya ko dahil nakahanap ako ng lalaking mamahalin at aalagaan ako
At ikaw yun sinta ko
Usap simula sa umaga hanggang ma lowbat tayong dalawa.
Noong nakilala kita hindi ko binigyan ng pansin Ang pgmamahal mo at saktan mo ako
Baka katulad ka sa unang lalaking minahal ko,
Oo takot ako umibig ang puso
Pero sa araw at buwan ang nagdaan.
Nabago mo ang paniniwala at ang ng isip ko at handang umibig kahit masaktan ako
Nasaksihan mo ako umiyak ng husto,
Dahil sa lalaking niloko at ipinagpalit ako
Ng dahil sayo nakamove-on at umibig ulit ang puso,
At dahil don nagpasalamat ako
Kasi ibinigay ka sa buhay ko,
Mahal ko bakit tayo ganito?
Hindi Ito ang dating tayo
Sobrang nasaktan ang puso at nadurog Ito
Noong narinig ko ang katagang :
" Unti unting magbabago kasama ka man o hindi sinta ko. "
Tumulo ang luha mula sa mata at daling nag offline kasi sobrang sakit na
Bakit tayo nagkaganito,
Bakit dumating sa ganitong punto
Na wala ka ng pake sakin sinta
Sa pagkakalam ko okay lang tayo.
Nagsawa ka na ba o baka akoy ipinagpalit mo na?
May nagawa bang mali sayo at yun ang rason Kung bakit ka ganito.
Nasaktan Kita , Oo sa mga katagang binitawan ko.
Patawarin mo ako sinta, ibalik mo ang dating tayong dalawa na masaya sa piling sa Isat Isa
Tawanan , Biroan at Chikahan na aking nakasanayan ni hindi ko na naramdaman
Ang relasyon matagal nag simula noong tayo'y nagkakilala.
Mahal ko tatanggapin ko ang salitang binitawan mo; Prankhan mo pa ako ng tudo at saktan mo pa ako.
Mabalik lang ang dating tayo.
Mahal na mahal Kita at ayokong mawala ka.
Ayokong inwan mo ako o bitawan ka
Dahil ko kayang gumising na wala ka na.
Dahil ayaw mo na at dahil pagod ka na
Mahal ko , wag mong Iwan ako
Dahil masasaktan ako ng tudo.
Triple pa sa sakit na natanggap ko
Mula sa unang minahal ng puso.
Ibalik ang dating tayo yan lang ang hilig ko sa mga oras na Ito.
Sana tumaparin mo kahit ito lang sinta ko.
" Ibalik mo lng ang Dating Tayo. "

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 // 𝐁.𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon