• 77/200 •

8 3 0
                                        

-- Paghihirap Ko --

Collaboration ni : Binibini Makata at YanieWrites


[ Binibining Makata ]
Tahimik na kapaligiran 
Walang ingay nino man
Iyan ang aking kinagisnan
Na pilit kong tinatakasan.


[ YanieWrites ]
Tahimik na kapaligiran
Pinapatay ako ng katahimikan
Walang taong malalapitan
Walang taong makakapitan.

[ Binibining Makata ]
Hindi ko ito kagustuhan 
Kailan ma'y di sumagi sa isipan,
Ang gusto ko lamang naman
Magkaroon kahit isang kaibigan.


[ YanieWrites ]
Hindi ko na kinaya ang sakit na nadarama
Kay bigat ng problema isang kilong bigas ata.
Pilit ngumingiti kahit hindi totoo at wag ka maniwala pag sinabi ko na okay lang ako..


[ Binibining Makata ]
"Okay lang ako",madalas kong winiwika
Niloloko ang sarili sa sinabing kataga
Kahit alam ko na ito'y hindi tama
Pilit tinatanggap dahil walang magagawa.


[ YanieWrites ]
Ngiti kung pinapakita wag ka maniwala
Dahil hindi yan totoo dahil kaibigan ang kailan ko
Nag-iisa lang gusto ko maranasan ang naranasan mo
Iyun lang ang alam ko para ma iligtas ako sa pinaplano ng utak ko


[ Binibini Makata ]
Ayaw na ayaw ko na maranasan ito 
Na ako mismo ang kikitil sa buhay ko
Ngunit ngayon handa na ako 
Handa na akong maglaho sa mundo.

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 // 𝐁.𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon