Gaya kahapon ay sinundan ko ulit si Jori Anne sa trababo nya at gaya kahapon ay sabay ulit silang naglunch ni Benedict.Napatigil sa pagkain yung dalawa nang tumunog ang cellphone nya Jori Anne na nakapatong sa table at kita ko ang gulat sa mukha ni Benedict nang makita ang nakarihestrong pangalan sa screen ng cellphone nya.
"B-boyfriend mo?" - tanong ni Benedict kaya alangang tumango si Jori Anne at saka sinagot ang tawag. Naiwan naman si Benedict sa table na mukhang luhaan at broken hearted.
"Benedict, hindi ka pwedeng mainlove sa kanya kasi hindi kayo ang para sa isa't-isa!" - sigaw ko sa puno ng tenga ni Benedict at nagulat ako nang bigla syang humarap sa gawi ko kaya nanlaki ang mata ko, hindi kaya narinig nya ako?
Nakahinga lang ako nang maluwag nang dumating si Jori Anne ay alangang umupo sa harap ni Benedict.
"I-ilang taon na kayo noong boyfriend mo?" - malungkot na tanong ni Benedict na hindi makatingin kay Jori Anne.
"Mag-fa-five years na." - sagot ni Jori Anne na hindi rin makatingin kay Benedict.
"Ang tagal na rin pala. Sana magtagal pa kayo." - sabi ni Benedict at saka tumayo at binitbit ang tray nya.
"Una na ako, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko." - malungkot na sabi ni Benedict at saka nilampasan si Jori Anne na malungkot din at mukhang nawalan na rin nang ganang kumain.
Gaya kahapon ay nandito ulit kami sa may sakayan ay naghihintay ng jeep pauwi. Pero itong si Jori Anne mukhang walang planong umuwi. Kanina pa may dumadaang jeep pero hindi sya nakikipagsiksikan.
"Hoy, Jori Anne hindi ka makakauwi kung hindi ka makikipagsiksik! Wag kang maghintay ng maluwag na jeep, kasi walang ganun!" - sigaw ko sa puno ng tenga ni Jori Anne at gaya kanina ni Benedict ay napatingin din sya sa gawi ko. Nang mapansin nya namang wala namang tao sa gilid nya ay huminga sya nang malalim at back to pagiging malungkot. Actually, maghapon silang malungkot at wala sa mood ni Benedict.
"Jori, sabay ka na sakin!" - pareho kaming napabaling ni Jori Anne nang may tumigil na sasakyan sa harap namin at dumungaw mula doon si Benedict.
"Ahhhh-naku wag na! Mamaya lang ay may darating na ding jeep." - sagot ni ni Jori Anne.
"Sige na, alam kong pagod ka na at mahirap maghanap ng jeep ngayon kasi rush hour." - sagot ni Benedict at bago pa makatanggi ulit si Jori Anne ay napuno ng busina ng mga sasakyan ang paligid. Mukhang binubusinahan nila si Benedict na nakahara sa kalsada. Huminga naman nang malalim si Jori Anne at walang nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan ni Benedict. Ako naman ay tumagos din sa sasakyan at sumabay sa kanila.
"Pasensya na, maabala ka pa tuloy." - nahihiyang sabi ni Jori Anne nang makasakay kami sa kotse ni Benedict.
"Walang problema, saan ba ang daan papunta sa inyo?"
Tinuro naman kaagad ni Jori Anne ang way papunta sa condo unit nila noong jowa nya.
"Bakit bumukod ka na agad sa pamilya mo?" - tanong ni Benedict nang masabi ni Jori Anne kung saan sya nakatira.
"Ahhh, nakikitira lang ako. Sa Taguig talaga yung bahay namin, pero dahil medyo malayo sa Makati kaya nakitira muna ako sa condo ng--uhh ng boyfriend ko."
Mukhang nagulat naman si Benedict at tumango-tango lamang at hindi na sumagot. After tuloy noon naging sobrang tahimik nilang dalawa. Haaaay, yun na siguro yung pinamahirap na parte ng love no? Yung mahal nyo ang isa't-isa pero hindi pwedeng maging kayo.
Mukhang medyo nabother na si Benedict sa sobrang tahimik na paligid kaya binuksan nya ang radio ng kanyang kotse.
🎼'Hindi tayo pwede, pinagtagpo pero di tinadhana.
