Nang makaalis si Jori Anne ay sinundan ko kaagad yung jowa nya sa kwarto nya. Nakahinga ako nang maluwag nang nakitang maayos naman sya at mukhang wala namang balak saktan ang sarili nya. Sa dami nang nakasalamuha kong tao, marami sa kanila ay sinasaktan ang sarili tuwing may mga bagay na hindi umaayon sa kanilang gusto. Mabuti naman at nakahiga lang ito sa kama habang nakatulala at nakatingin sa cellphone nya. Hindi na rin sya ganoong umiiyak.'Love, ang lagkit nyan!'
Sinilip ko ang telepono ni Bry at nakita kong pineplay nya yung videos nila ni Jori Anne. Mukhang medyo matagal na ito dahil mas bata pa ang mga hitsura nila dito. Marahil ay birthday din iyon ni Jori Anne dahil nakaparty hat pa sya at hawak ang cake habang kinukunan sya ng video. At doon sa video ay nagreklamo sya sapagkat pinahidan sya ng icing sa mukha ni Bry.
'Love, this is my first birthday na kasama kang magcelebrate and I'm sure na hanggang pagtanda, ikaw at ang magiging anak at apo natin ang makakasama ko'
Nakangiti si Jori Anne sa camera at halata sa mata nya ang saya na kasama nyang nagcecelebrate si Bry.
Napaupo ako sa kama at hindi na pinanood pa ang mga sumunod na videos na ipinlay nya. Lalo ko lang malalaman kung gaano nila kamahal ang isa't-isa at kung ano ang sinira ko dahil sa katangahan ko.
Maghapon lang itong nagmukmok sa kwarto nya at paulit-ulit na pinapanood ang mga luma nilang videos. Anniversary, birthday at lahat ng mga selebrasyon na magkasama sila.
Nang matapos nyang panoorin ang mga videos ay lumabas na sya sa kwarto at dumiretso sa ref para kumuha ng alak. Limang bote ng alak ang inilabas nya at saka umupo kung saan nakaupo si Jori Anne kanina. Nandoon pa din yung pagkain at cake na ginawa nya kaya napangisi lang sya nang makita yung pinaghirapan nyang cake.
Nang makaupo sya ay sinimulan nyang kainin ang cake at gaya kanina ay unti-unting tumulo ang luha nya.
Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko.
Matapos nyang ubusin ang cake ay sunod-sunod nyang ininom ang alak na parang tubig lamang ito. Matapos nyang maubos yung limang alak na inilabas nya ay kumuha sya ng panibago at saka lumabas ng condo unit nya.
Agad akong napatakbo at akmang sasaluhin sya pero tumagos lamang ako sa kanya kaya ayon nahalikan nya lang naman ang sahig. Agad naman umupo si Bry at hinawakan ang pisngi nya na sumalampak sa sahig.
"Bakit mashh mashakit pa din ditooo?" - tanong nya at saka itinuro ang puso nya. Nang medyo makamove-on na ay saka ito pasuray na tumayo at lumakad sa elevator.
Nang makarating sya sa rooftop ay agad syang umupo sa railings noong rooftop at isang maling galaw nya lamang ay maari syang mahulog.
Huminga ako nang malalim at balak na sana syang gamitan ng powers pero napatigil ako nang biglang magliwanag ang paligid ko at halos wala na akong makita sa sobrang pagkasilaw.
"Gabriella."
Napalunok ako at kahit na wala akong sweat glands at parang namawis ako sa kaba nang marinig ko ang tinig na iyon na tumawag sa aking pangalan.
Agad akong lumuhod sa isang tuhod ko upang magbigay galang.
"Binigo mo ako at iyong misyon. At dahil sa iyong pagkakamali ay maraming taong nagdurusa at magdurusa pa sa darating na panahon."
Tiningnan ko si Eros na nasa harap ko at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sapagkat hindi lahat ng anghel, lalo na ang kagaya kong apprentice pa lamang ang may pagkakataong makita ang Panginoong ito.
"Patawad Panginoon ko. Bigyan nyo po lamang ako ng panahon para maitama ang pagkakamali ko."
"Bibigyan kita ng panibagong misyon at umaasa akong hindi mo na ako bibiguin sapagkat alam mong maaring manganib ang buhay ng taong ito kung hindi mo ito mapagtatagumpayan."
