Kinabukasan maagang nagluto yung jowa nj Jori Anne. Pasayaw-sayaw pa sya at pakanta-kanta habang nagluluto kaya natawa na lang ako kasi mukha syang timang. Tumawag kasi kanina sa kanya si Jori Anne at sinabing byahe na sya pauwi at sa condo ito tutuloy para makapagcelebrate. At ito nga at maaga syang nagluto para sa kanilang celebration."Shit, meron akong nakalimutan!" - excited na sabi noong jowa nya at bilis-bilis na nagsuot ng t-shirt at saka lumabas ng condo unit nila. Dumiretso ito sa kalapit na mall at pumasok sa isang jewelry shop.
"Para kanino po Sir?" - tanong noong saleslady noong makitang nagtitingin ng singsing ang jowa ni Jori Anne.
"Engagement ring sana." - kumakamot sa ulong sabi noong jowa ni Jori Anne. Kaya napabaling ako sa ulo nya at sinilip kung meron din syang kuto.
"Ay tamang-tama Sir, may bago kaming mga labas." - sabi noong saleslady at lumakad sa sinasabi nyang mga singsing nilang bagong labas.
Kinuha nya ang isang singsing na rosegold na merong tatlong maliliit na bato sa gitna at tiningnang mabuti
"Matutuwa ang girlfriend nyo jan Sir, isa yan sa best seller namin."
Sinilip ko naman ang iba pang singsing at pumili na rin ng pinakamaganda sa aking paningin. Napahanga ako at isang singsing ang umagaw ng aking pansin. Isa itong infinity rin na sa tingin ko ay white gold. At sa ibabaw nito ay maliit na bato.
"Hoooy, jowa ni ni Jori Anne, ito ang piliin mo!" - sigaw ko sa puno ng tenga nya at gaya ni Benedict at ni Jori Anne ay napabaling din sya sa gawi ko at pilit na hinanap ang pinaggalingan ng boses na iyon. Nang makitang wala namang kahit ano sa gilid nya ay binalingan nya ulit ang singsing na hawak nya.
"Mukhang maganda rin ang isang iyon." - sabi noong Jowa ni Jori Anne at kinuha ang infinity ring na kanina ko pang tinitingnan.
"Alin sa tingin mo ang mas magugustuhan nya?" - tanong noong jowa ni Jori Anne doon sa saleslady.
"Ito siguro Sir." - turo nya doon sa unang singsing na pinili nya na may tatlong maliliit na bato sa gitna. Tumango-tango naman yung jowa ni Jori Anne at saka ibinalik yung may disenyong infinity na may maliit na bato sa ibabaw at mukhang makikinig doon sa saleslady.
"Hooooy, makinig ka sakin! Mas maganda yung isa! Ano ba yan? Iniistress mo ako!" - talak ko habang tinitingnan kung paano nya ibalik yung singsing na hindi nya napili.
Hindi ko alam kong narinig nya ako o ano dahil agad nyang binawi ito at pinagtabi ang dalawang singsing para tiningnang mabuti.
"Ito na lang siguro Miss." - sabi nya at napatalon ako sa tuwa nang piliin nya yung singsing na gusto ko.
Kinuha naman noong babae ang singsing at agad na inilagaw sa box.
"3,899 po Sir." - sabi noong babae at saka iniabot ang box na may lamang singsing sa jowa ni Jori Anne na ngayon ay mukhang nakakita na ng multo sa anyo ng saleslady.
"G-ganung kamahal?" - hindi makapaniwalang tanong noong jowa ni Jori Anne at agad na kinuha ang kanyang wallet at binilang kung sasapat ba ang kanyang pera.
"Haaay, balak ko pa namang bumili ng cake, anong mabibili ko dito?"
Pagkatapos mabili noong jowa ni Jori Anne ang singsing ay fifty pesos na lang at konting barya na lang ang natira sa kanyang pera kaya ito at malungkot syang sumalampak sa bench sa loob ng mall at nag-iisip kong paano sya bibili ng cake sa perang meron sya.
"Alam ko na!" - muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang syang sumigaw sa tabi ko. Agad nyang kinuha ang telepono nya at nagpipindot doon.