Chapter 5

3 0 0
                                    


"Awit, sino to pre? Akala ko kakabreak lang bakit may bago agad?"


"Taena pre, idol talaga!"


"Maganda yung chikas mga pre, lupit!"


"Tinawagan kami ni Jori ay sinabing tiyak na nagpapakalango ka sa alak, pero ito at nagpapakalango ka pala sa ibang babae."


"Hindi ko alam mga pre, wala akong maalala."


Nagising ang diwa ko nang marinig kong parang may mga taong nagtatalo malapit sa akin pero masyado pa akong inaantok para pansinin sila at pakinggan kung anong pinag-uusapan nila, babalik na sana ako sa aking pag-idlip nang mapagtanto kong hindi naman natutulog ang mga anghel na kagaya ko! Agad akong nagmulat at napaupo nang tuwid. 


Tiningnan ko kung nasaan ako at ang mga hindi pamilyar na mukha na nasa harap ko na mukhang gulat na gulat din sa biglaang pagbangon ko.


"Pre gagi, gising na sya! Ingay nyo kasi!" - bulong noong lalaking may singkit na mata at may maputing balat na syang unang nakabawi sa pagkakagulat.


"H-Hi, good morning. Pasensya na kung nagising ka sa ingay nila." - sabi pa noong isa na may mahabang buhok at mukhang pang-commercial ng toothpaste na ngiti.


Pero teka, ako ba ang kausap nila? Tiningnan ko sila isa-isa at hindi ko maintindihan kung bakit parang nakikita nila ako.


"Nakikita nyo ako?" - tanong ko sa kanila at ang tahimik na paligid ay mas tumahimik dahil sa tanong ko. Mukhang wala naman silang balak sumagot kaya kinapa kong mabuti ang mukha at ang braso ko at nagulat akong nahahawakan ko ang mga ito!


Mabilis akong tumayo at humarap sa salamin at lalo akong nangilabot nang makita ko ang repleskyon ko sa salamin! Totoo ngang nagpakita sakin si Eros!


"Ibig sabihin ay totoo ngang nagpakita sa akin si Eros at pinarusahan nya ako? Ibig sabihin ay ganap na nga akong tao at hindi iyon panaginip?! Sabagay, hindi naman ako nananaginip! Pero teka, paano ako makaalis? Arggghhh---ang hirap naman nito!" - sa inis ay nagulo ko ang buhok ko at naguguluhang napasalampak sa sahig. 


Gulat na gulat namang nakatingin sa akin si Bry at ang kanyang mga kaibigan, siguro baliw o wierd ang tingin nila sa akin, pero wala na akong pakialam dahil hindi ko pa din matanggap na tuluyan na nga akong naparusahan at naging tao!


"So wala talagang nangyari sa atin?" - pag-uulit na tanong ni Bry nang maikwento ko kung anong nangyari kagabi. Nandito na kami ngayon sa salas ng condo ni Bry kasama ang kanyang mga kaibigan at ikinuwento ko ang totong nangyari kagabi, syempre maliban doon sa pagnanakaw nya sa unang halik ng katawan lupa ko.


"So saan ang condo unit mo dito? Hindi ka kasi pamilyar." - tanong ni Han, isa sa tatlong kaibigan ni Bry na ipinakilala nya sa akin. Natigilan naman ako at hindi alam ang isasagot, anong sasabihin ko? Na isa akong taong bigla na lang sumulpot na parang kabute sa mundo nila kaya wala akong condo o bahay na mauuwian?

Cupid's Apprentice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon