Chapter Fifty One

591 49 11
                                    

Ken



Napangiti ako nang nilingon ko si Angel na mapayapang natutulog ngayon sa passenger's seat. Kanina pa kami nakarating dito sa parking lot na nasa basement ng condo building namin. Kakatapos ko lang sa pangalawang episode ng Anime na pinapanood ko at hinayaan ko lang muna itong matulog.

Mga dalawang oras na siguro itong natutulog ngayon kasi almost an hour din ang byahe namin dahil dumaan pa ako sa isang ATM Machine para mag withdraw at nag drive though na rin sa isang Fast Food.


Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kanina.





Angel: " My head hurts.. " Mahinang sabi niya sabay hawak sa ulo kaya inalalayan ko agad ito.


Me: " I know.. " Sagot ko at kinuha ang purse niya at ako na ang nag bitbit.


Inalalayan ko siya hanggang makarating kami ng parking lot. Napatingin ako sa katabing sasakyan kong saan naka park ang sasakyan ni Angel dahil may magkasintahang parang nagtatalo sa loob non.



Girl: " Do you know why I stayed single? Because boyfriends are irritating and annoying so please don't act like one! If you're horny just say it so we could just go to my place. "


Lihim akong natawa nang marinig ko ang sinabi ng babae. Naks. Hanep! Napaka straight forward. Hehe..

Hindi ko nalang pinansin ang magkasintahan dahil normal lang namang makakakita ng mga ganitong scenes sa ganitong lugar kaya tahimik lang kaming dalawa ni Angel na naglakad papalapit sa sasakyan niya.

Pinindot ko ang remote key ng sasakyan at nang tumunog iyon, napansin kong biglang tumahimik ang magkasinatahan. Napansin siguro nila na merong ibang tao sa paligid.

Inalalayan ko si Angel na makapasok sa loob ng sasakyan at ni recline ang passenger's seat para makahiga siya ng maayos.

Naglakad na ako papuntang driver's seat nang mapansin kong pamilyar ang figure ng lalaki na nasa sasakyan na kasama ng babae. Naka kunot noong tinitigan ko ito.




Me: " Jah? " Di siguradong tanong ko na naging dahilan ng paglingon ng dalawa sa kung saan ako.


Parang nagulat si Jah nang makita ako kaya tinangoan ko nalang siya at binuksan nalang ang pinto ng driver's seat.

Ang awkward naman kong mag chichikahan pa kami. Lihim nalang akong natawa sa nakita ko. Sinasabi ko na nga bang may lahing ninja tong si Jah eh. lol

Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan nang narinig kong nagsalita ang babae.



Girl: " Wait, you're Angel's boyfie right? " Tanong niya kaya lumingon ako dito.


Nabigla ako sa tanong niya. Ba't niya ako kilala? Ito ba ang tinutukoy ni Angel na kaibigan niya? Hindi ko alam na foreigner pala ito.

SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon