Chapter Seventy Seven

513 37 97
                                    



Josh



Kakalabas ko lang sa building at kinuha ko ang aking phone sa bulsa para mag chat sa GC namin kung nasaan ang mga ka grupo ko. Napag-usapan kasi kanina na mag lu-lunch kami sa baba ng building. Wala namang na mention kung saan , kaya pagkatapos kong mag chat sa GC namin ay iginala ko ang aking paningin para hanapin ang aking mga ka grupo.


Nakita ko naman agad ang mga ito sa labas ng isang Cafe hindi kalayuan sa entrance ng building namin. Kompleto ang lahat. Magkatabi si Ken at Sejun na kasulukuyang nag-uusap. Sa harap naman nila naka-upo si Stell na ngayoy busy sa kung anong ginagawa sa phone nito. Katabi naman nito si Justin at si June na parehong nakikinig sa kung anong sinasabi ngayon ni Ken.


Actually hindi na ako nagulat nang makita kong kasama nito si June. To be honest hindi ko talaga alam kong ano ang estado nilang dalawa ngayon ni Jah. Pero recently ay sinasama nito si June sa mga lakad namin. Napapansin din naming naging mas masayahin si bunso kaya support lang din kami.



Ken: " Oy nandito na si Josh! " Sabi ni Ken nang makita akong naglalakad papalit sa kanila.



Me: " Bakit? Anong kaguluhan ito? " Tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanila. " Nag order na kayo para saakin? " Tanong ko sa kanila na tinguan naman ni Stell.



Ken: " Dun ka katabi si Jah. " Sabi nito nang papaupo na sana ako sa bakanteng upuan katabi niya.



Me: " Bakit ba? May dadating ba? " Naka-kunot noong sabi ko kay Ken pero tumabi din naman agad ako kina June. " Yow! " Sabi ko kay June at nag high five dito. Gumanti din naman ito ng high-five saakin at umupo ako sa bakanteng upuan katabi ito. Nakita ko rin ang palihim na pagsimangot ni Jah sa ginawa naming pag high five. lol



Ken: " Good. Good. Nandito na si Josh. Kompleto na tayo. " Excited nitong sabi na parang hindi narinig ang sinabi ko. " Mamili kayo, classic mermaid na katawang tao at may buntot or inverted na mermaid, bottom half-human, top fish. GO! " Sabi pa nito na parang may pa contest sa paunahang makasagot.



Napa-iling nalang ako pagkarinig ko sa tanong ni Ken. Hindi ko talaga alam kong anong trip nito at kaninang madaling araw pa ako nitong pinipilit na sagotin ang tanong na yun. Pero pinilit ko nalang manahimik kasi after all he went through these past few months, masaya narin ako dahil nanumbalik na ulit ang sigla nito.


Nakita ko si June at Justin na tawa ng tawa sa tanong ni Ken ngayon. Pero bigla akong napahalakhak nang makita ko ang mukha ni Sejun na seryosong pinag-iisipan ang isasagot sa tanong.



Sejun: " Classic mermaid! " Biglang hirit nito " Top half-human, bottom fish! " Confident nitong sagot.

SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon