Chapter Sixty Eight

552 53 53
                                    



Ken




Me: " One glass of vodka tonic please. " Sabi ko sa bartender. " Ikaw? Anong gusto mo? " Tanong ko sa babaeng kasama ko ngayon.



Nandito kami sa isang resto bar ngayon at kasama ko si Josh at si Daniela? Briona? Sabrina? I'm not actually sure what her name is. Nakilala lang namin ito ni Josh dito sa bar. Gusto ko lang mag sit-&-drink dahil wala ako sa mood ngayong mag party kaya nandito kami sa isang acoustic resto bar para maiba naman.



Girl: " I want you. " Malandi niyang sabi na naging dahilan ng lihim kong pag irap.



Everything seems so boring. Nothing ever new happens. Same routine lang. Babangon, face the day , pretend to be happy sa mga interviews then tulog ulit pag pagod na sa mga shows. I don't have anything to look forward to or anything worth waking up to. Pakiramdam ko everything is just whatever to me now.



Gustohin ko mang umiyak at ilabas ang galit at sakit na nararamdaman ko ,pero alam kong walang makakaintindi, at least sa paraan na gusto kong maintindihan nila. Kaya mas pinili kong huwag ng pag usapan ang mga nangyari dahil wala namang makakaintindi unless they went through exactly what I'm going through now. It's just all sympathy at puro oversaid sentences of comfort like " it's going to be ok " . Pagod na ako dyan. Panis na yang linyang yan.



Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang masagi sa isip ko si Angel. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang huli ko siyang nakita. Almost 3 months to be exact. That was when I broke up with her. At ilang buwan narin akong ganito. Trying to hit on girls gaya nung dati pero puro pakilala lang naman ako at sinama sama ko lang sila but that just it. Naiinis ako sa sarili ko kasi lagi akong na gi -guilty na para bang nagtataksil ako kay Angel kahit wala na naman kami.



Naalala ko nung sinabi ko sa kanyang may nangyari samin ni Lei. Muntik na talaga akong bumigay nang makita ko ang sakit sa expression ng mukha niya nang sabihin ko yun na para bang ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman niya. Gustong gusto ko na siyang yakapin at sabihing wala lang naman talagang nangyari and I was just being a jerk for telling her that. Buti nalang at natatagan ko ang aking sarili kasi alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko if I'd let it happened.



Tinupad talaga nito ang sinabi niyang susuyuin ako. She was persistent pero alam ko namang na gu-guilty lang ito sa ginawa niya. She have been sending me food, gifts and even flowers pero pinamimigay ko lang ito sa mga staff namin. Kahit out of town kami ay nagpapadala parin ito ng pagkain. She was also sending me texts messages to remind me to eat and greets when I wake up and before going to bed. And these past few days she have been quiete for some reason na ayaw ko ng ring malaman. Wala na akong na re-receive na mga texts galing dito. Ayaw ko mang aminin pero parang may part saakin na kulang.

SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon