Chapter Seventy

557 53 54
                                    

Ken



Kakalabas ko lang ng elevator nang makita kong naglalakad sa hallway si Ava. Magkasalubong ang dalawa nitong kilay at parang ang lalim ng iniisip habang naglalakad sa hallway. Napalitan agad ito ng ngiti nang makita ako.


Ava Salve is one of the top musician in the world. Nag umpisa ito sa pa cover2x ng songs until naging millions ang followers nito. Purong pinoy ito pero laking States. Matatas din naman itong mag tagalog. American based talaga ito at paminsan minsan lang umuuwi ng Pilipinas pag may events ito dito o kaya naman ay nagbabakasyon. Nandito ito ngayon sa condo namin kasama ang manager nito dahil pinagplanohan ang collaboration namin with her.


Ok naman ito so far since nakilala namin ito a month ago. At first ay medyo naiilang kami kasi parang maarte itong tingnan. Kalaunan naman ay Ok naman pala ito. Medyo matabil nga lang ang dila nito at napaka hyper pero over all she really is nice. Most of the time ay puro ito kalokohan kaya napipikon si Sejun dito. Sumerseryoso din naman ito sa mga panahong dapat mag seryoso. Nakakamangha rin ang passion nito sa musika.



Ava: " Your brothers have been looking for you. " Nakangiti niyang sabi. Nakasunod din sa kanya ang manager at assistant nito.



Me: " May binili lang ako sa baba. " Sabi ko sabay taas sa plastic ng 7/11 na bitbit ko. " Uwi na kayo? " Casual kong tanong sa kanya nang makalapit na sila ng mga kasama niya.



Ava: " Yep! I just wanted to get to know you guys more kaya medyo nag tagal ako ng kaunti after the meeting. " She smiled.



Medyo nahiya ako sa sinabi nito kasi after ng meeting ay bumaba agad ako ng condo dahil may binili ako sa 7/11.



Me: " Sorry, may binili lang ako. " Nahihiyang napakamot ulo nalang ako.



Ava: " Nah... No worries. May gagawin pa naman kasi ako. Sinusungitan na din ako ni Paolo kaya exit nalang ako. " Pabirong umirap ito na naging dahilan nang mahinang pagtawa ko.



Me: " Diba nag met na kayo ni Sejun noon sa Cebu noong magkasama tayo sa isang event at isang hotel lang ang tinuloyan natin? Akala ko nga close na kayo eh " Sabi ko sa kanya.



Hindi ako sigurado pero parang medyo nag blush ito sa pagbanggit ko sa event namin sa Cebu pero agad din naman itong umirap. Sa tingin ko ay parang pilit lang nitong tinatago ang pamumula ng mukha.


Hmmmm.. Parang may something kaming hindi alam.



Ava: " Anyway, we have to go. See you when I see you sexiest dancer! " Nakangiting sabi niya at kinindatan pa ako. Tuluyan na itong pumasok ng elevator kasama ang manager at assistant nito.

SB19 || Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon