20

79 6 6
                                    

Tatlong araw nang hindi kami naguusap ni Taehyung at hindi ko rin siya kinakausap ano siya? Akala mo siya na lang natitirang gwapo sa mundo uuy, sa ganda kong to, marami pang mag-kakagusto sakin.

10:15 a.m

E: Kapag ito hindi gumana Sheena, sinasabi ko sayo.

S: Gagana yan, ako pa ba? Basta ha, galingan mo pag-acting mo.

E: Alam mo gago ka talaga, pati nanay ko dinamay mo

S: Alam mo naman yang nanay mo, gustong gusto si Taehyung

E: Hayop, ngayon lang ako aabsent bahala na buset

S: Ay oo, friend, di ko sinabing aabsent ka

E: ANO?!

S: Magdahilan ka na lang, kerribels na yan ghorl

E: OO NA PUTA KA KASI

S: Capslock? Damang dama? Galet na galet? Pinagpalet

E: anong pinagpalet?

S: uyy, triggered

E: tangina mo mag klase ka na nga, ayos ha, cellphone sa klase pero honor naol

S: ikaw nga lumalandi na honor pa e

E: true beauty and brains

S: brains lang walang beauty

S: byee

———————————————

"Ria" kumakatok si Mommy sa pintuan. "Mommy, hindi po ako papasok. Ang sakit po ng katawan ko e." pag-arte ko. And them Mommy entered, she checked my temperature. "Wala ka namang lagnat, sige umabsent ka na muna, pero paano mamaya? Yung plano ni Sheena?" She asked me. "Si Sheena na daw hong bahala dun." Tumango tango siya tapos umalis na din agad.

Buti na lang, apat lang subject ko ngayon, wala akong masyadong hahabulin. Finals na next week and then, wohoooo graduation na, sana may laude ako, promise ko yon kay Kuya e.

"Finals niyo na next week, hindi mo ba kayang pumasok?" Bumaling ako sa pintuan at nakita ko si Kuya. "I have 4 subjects lang naman this day. I can come up." sagot ko. "Sabi mo yan, gusto ko tuparin mo yung laude." lumapit siya sakin at nagsalita ulit. "Wag kang mag-alala, pwede ka nang mag jowa after, mas worth it yon." tinapik niya yung braso ko. Tinignan niya ko, tangina yung acting ko. "Kuya, masakit, gusto kong matulog." — "Sige na, kumain ka sa baba mamaya, papasok pa ko." paalam niya sakin. Nakahinga ko nang maliwag nang marinig ko maya maya yung gate na sumara.

———————————————

Sheena's POV

"Umiiyak ka ba?" Tinanong na ko ni Taehyung. Ayan umeepekto na. "Si Elaria kasi e." inartehan ko pa ang pag-iyak. "Tangina," he hissed. "Anong nangyari kay Elaria?!? Bakit? Sheena!" humagulgol pa ako ng kaunti. "Hindi ko pa alam, hindi ko siya mapupuntahan kasi nangako ako kay Mama." suminghot singhot ako ng kaunti.

"Taehyung, alam kong di kayo okay pero kailangan niya ng kaibigan, puntahan mo siya please." yumakap ako ng kaunti sakanya tapos konting arte pa. "Wag ka nang umiyak. Ako nang bahala sakanya, okay?" he caress my back, wowerz ang galing mong umacting self. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko at nagpunas ng luha.

Umalis na siya sa tabi ko at umupo na si Jimin, "huy ano yon?" taning niya. "sekretong malupet, tara kain tayo, libre mo uli ako." kinuha ko yung bag ko, sumunod naman sakin si Jimin.

"Anong gusto mo?" nagcecellphone ko ng tanungin niya ko. "Ikaw." sagot ko, tapos tumingin ako sakanya. "Ikaw, anong gusto mo?" tanong ko. "Ako unang nagtanong." sagot niya. "Chill." para kasing iritado ang boses niya.

Pagkatapos naming kumain, we parted ways, wala na siyang klase, mamayang hapon na uli tapos ako meron pa. Nagpaalam siya sakin na gagawa muna siya ng final project ng major niya. Bukas ko pa masisimulan yung akin, 4 subs lang ako bukas. Hala shit, may palabas pala ako mamaya.

The story of Taehyung Kim and Elaria Louise Park.

———————————————
Taehyung's POV

Pagkatapos na pagkatapos ng last subject ko, umuwi ako agad para makapag-bihis. Kailangan kong puntahan si Elaria, baka mag-sisi pa ko. Kailangan ko na siyang kausapin.

Nagsoot ako ng yellow t-shirt at nagpalit ng sapatos, nakapantalon naman ako ngayon kaya hindi ko pinalitan.

When I got there, sarado ang pinto pero bukas ang bintana sa taas. Kwarto siguro ni Elaria yon. Pinindot ko agad ang doorbell. Mga dalawang beses bago nagbukas ang pinto.

It was Elaria, she looks so fine. Damn, ano to?

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" bungad niya sakin sa gate.

"Sheena cried to me kanina, and then she said that she cant be with you so I volunteered." I explained myself. "Muka namang okay ka, aalis na lang ako." sabay talikod sakanya.

"I'm fine physically, but not mentally and emotionally. Pasok ka, mag-usap tayo." binuksan niya ng maluwag yung gate para makapasok ako.

"Namamaga mata mo ha, were you crying?" tanong ko habang papalapit siya hawak ang baso ng tubig.

"Hindi ako nakatulog ng maayos." sabi niya. I want to ask her why pero baka ma-misunderstand niya lang.

"You won't ask ne why?" taning niya sakin.

Tumingin lang ako sakanga.

"Taehyung, ano bang problema? Sinabi ko lang naman na hindi pa ko ready sa ganon ganon. Kailangan kong grumaduate ng may laude for my family. Isa pa, finals na next week. Konti na lang naman e, and from there you can court me." she explained herself while Im looking at her.

"Taehyung, please, mag-salita ka naman para naman akong tang—hindi na niya naituloy ang sasabihin ng hilain ko siya palapit sakin at niyakap siya. Inilagay ko ang kamay ko sa buhok niya.

"I was worried earlier, hindi ko alam ang gagawin ko, walang pumapasok sa isip ko kung hindi ikaw, hindi ko alam ang nangyari sayo, Sheena cant tell either." sabi ko sakanya at umalis siya sa pagkakayakap ko.

"Sorry, it was Sheena's plan, gusto niyang magka-ayos na tayo." pag-amin niya sakin. "I'm sorry." she said and hugged me again.

"Bati na tayo?" I said between our hugs. "How can you avoid me that long?" tanong niya. "Ikaw din, how could you? Dati naman panay ang chat mo sakin kahit hindi kita pinapansin." biro ko sakanya. "Pumasok ka na bukas, tapps sa weekend, sabay na tayong gumawa ng final projects. Mag-aral na din tayo para magka-laude ka. Malabo na ata sakin yon e." ginulo ko ang buhok niya kaya hinampas niya ko.

"Okaaaayy, kaya natin yon. May pagkain sa ref, gusto mo?" taning niya sakin bago tumayo.

"Ano na naman? Mamaya may peanut butter na naman yan and then you'll blame it to the food for not having a warning sign that there's a peanut butter." I mocked her.

"Wala, ice cream yon. Uwi ni Kuya." she explained, and then she walked towards their kitchen.

Who Are You? - Text ImagineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon