Marahil ito na nga ang nakita ng mga matatanda sa aming baryo—mga taong nabubuhay at umaasa sa kakayahan ng teknolohiya.
Napakahirap huminga at nakalilito ang pasikot-sikot sa masisikip na daan sa pagitan ng mga naglalakihang bahay.
Ngunit kailangan kong magpatuloy sa aking paglalakbay patungo sa pagtuklas ng aking papel sa mundo.
Karamihan pa sa mga taong naninirahan dito 'y gumagamit ng kakaibang wika na hindi ko maintindihan.
"Reina, kailangan na nating pumasok sa paaralan," sambit ni Ligaya.
Napatigil ako sa pag-iisip. Ilang linggo na rin ang nakalilipas nang kami 'y manirahan dito.
Tumango ako at saka sumunod sa kaniya. Nagsimula kaming maglakad.
"Aray!"
"Miss, ayos ka lang?"
"Hindi mo ba nakitang may naglalakad —"
Napatigil ako. Hindi ko napigilan ang pagtalon ng aking puso sapagka't ang lalaking nasa harapan ko 'y hindi katulad ng iba.
Napangiti ako. "Ayos lang. Ngunit sa susunod siguraduhin mong tumitingin ka sa daan."
Napatango ito. Kita ko ang kislap sa kaniyang mga mata habang inaalalayan akong makatayo.
Limang segundo na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin niya binibitiwan ang hawak sa akin.
"Tara na," utos ni Ligaya.
Inalis ko ang pagkakahawak ng lalaki at saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
Napahinga ako ng malalim.
Tama nga sila, hindi madaling makipagsapalaran sa mundong walang kasiguraduhan.
BINABASA MO ANG
Ang Mitolohiya ni Reina
FantasySi Reina ay isang dalaga na maagang nangulila sa kaniyang mga magulang. Matapos niyang makalaya sa pagkakatali ng kaniyang mga kababayan, uumpisahan na niya ang paglalakbay at pag alam sa kaniyang pagkatao. Dala ng kaniyang paglalakbay ay ang pinagh...