Isang gabi lamang kung lamayan ang patay.
Buong araw akong nagkulong sa kuwarto at nakahiga sa kama ni Inay habang si Ligaya naman ang umaasikaso sa mga dumalo sa lamay.
Nakayakap ako sa unan ni Inay at tahimik na humahagulgol. Sobra akong nasaktan noong nawala si Itay. Ngunit ngayon ay doble pa pala ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Inay.
Bathala, ano ang kasalanan ko at binawi mo ang aking ama at ina?
Naramdaman ko ang mahinang pagyanig ng kama, ngunit hindi ko iyon pinansin. Masiyado pang masakit ang mga pangyayari sa akin. Hindi ko pa tanggap na mag isa na ako sa buhay.
Biglang may kumatok sa pinto. Iniangat ko ang aking mukha at nakita si Ligaya, ni walang bahid ng emosiyon sa kaniyang mukha.Marahan akong bumangon at umupo ng tuwid sa kama. Pinunasan ko ang aking mga luha at inayos ang aking nagulong buhok.
"Hindi pa ba sila aalis?”
Napabuntong-hininga lamang si Ligaya. "Bukas, alas singko ng umaga ililibing si Aling Maya," anunsyo niya.
Napaluha na naman ako. “Hindi ba matalik na kaibigan ka ni Ina? Bakit…ganiyan ka?” mapait kong tanong.
Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang dapat kong itanong kay Ligaya. Para akong may binubuhat na mabigat, hirap akong huminga at naninikip ang aking dibdib. Blangko rin ang aking isipan.
"Ano nga pala ang ibig niyong sabihin na kailangan kong uma- "
Biglang umiling si Ligaya. Tumalas ang kaniyang paningin habang iniikot ang ulo na para bang sinisigurado kung may nagmamasid at nakikinig sa kanila.
“Uulitin ko, Ligaya. Ano ang ibig ninyong –
”
“Ano’ng pinagsasabi mo, Reina?” May halong inis ang tinuran ni Ligaya. Paulit-ulit itong umiling. “Matulog ka na,” utos nito.Hindi pa ako inaantok pero pilit bumababa ang aking mga talukap pagkatapos akong utusan ni Ligaya.
“H-hindi pa ako inaantok…”Nagising ako nang maaga.
Labing-limang minuto ang kinailangan naming lakarin upang magtungo sa isang malawak na lupain. Isang beses ko lamang napuntahan ang lugar na ito–noong namatay si tatay magwa-walong taon na ang nakalilipas.
Ililibing na nga si Inay. Tahimik akong nakaupo sa gilid habang nagdarasal ang mga kapitbahay namin. Hindi ko makita kung nasaan si Ligaya.
Puot at galit ang namumuo sa aking dibdib, nang dahil sa kanilang paniniwala, namatay ang aking Nanay.
“Bathala, kayo na po ang bahala sa kaluluwa ni Maya. Isang karangalan ang mapili ninyo upang bumalik sa inyong kaharian.” Nakataas ang dalawang kamay ni pinuno.
Lalo akong nainis sa tinuran ng pinaka-pinuno ng Callejo. Pigil ang mga luhang tumayo ako at saka siya nilapitan.
“Pinuno Masala,” bulong ko. Ang lahat ay nakapikit at pawang nagdarasal kay Bathala. “Kung hindi dahil sa paniniwala ninyo, buhay pa sana ang nanay ko. Ano’ng pakiramdam mo bilang isang mamamatay tao?”
Kitang-kita ko ang pagkawala ng kaniyang mga ngiti.
“A-ano’ng pinagsasabi mo, Reina?”
Naikuwento kasi sa akin ng isang turista na ang ospital sa bayan ay may teknolohiya na makagagamot sa kahit anong uri ng sakit.Ngunit nagmatigas si pinuno Masala at sinabing si Bathala ang dapat masunod. Na ang buhay ng isang tao ay hindi nakasalalay sa kapwa niya tao, kundi sa makapangyarihang itaas lamang.
“Mahirap bang marinig ang katoto-”
“Ipagpaumanhin mo, pinuno. Wala sa katinuan si Reina dahil sa pagkamatay ni Maya.”
BINABASA MO ANG
Ang Mitolohiya ni Reina
FantasySi Reina ay isang dalaga na maagang nangulila sa kaniyang mga magulang. Matapos niyang makalaya sa pagkakatali ng kaniyang mga kababayan, uumpisahan na niya ang paglalakbay at pag alam sa kaniyang pagkatao. Dala ng kaniyang paglalakbay ay ang pinagh...