"Ma, Pa, I need to go! Na-late po ako ng gising!"
Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi at mabilis na lumabas ng bahay.
"But-today's your birthday, Heira! Just go home early anak, okay?" rinig kong sigaw ni Papa mula sa dining area.
"Yes, Pa! I will!" sigaw ko pabalik while I struggle putting on my shoes and opening my car's door at the same time. Hindi ako sigurado kung narinig nila 'yun o hindi.
Bakit ba naman kasi sa dami-rami ng pwedeng araw na male-late ako, etong araw na 'to pa?
Ang dami kong plano for this day and nasira lang 'yun lahat dahil nalate ako ng gising.
Pano ba naman kasi, napuyat ako kagabi kakaplano ng mga gagawin ko ngayon. Sayang lang pala!
"Kuya Archie, pahatid po ako today! Mabagal ako mag-drive eh. Pakibilisan na lang para makarating po ako on-time. Thank you!" mabilis na saad ko na halos hindi na ata maintindihan ng driver namin.
15 minutes na lang at malelate na ko kaya dapat talaga bilisan na ni Kuya Archie! Never pa naman akong na-late and kung gugustuhun ko mang ma-late, hindi sa subject na 'to.
"Nako, Heira sumakto pang traffic ah," sambit ni Kuya Archie na halos ilabas na ang ulo sa may bintana ng kotse para makita kung gano kahaba ang traffic.
Time check: 9:50
Oh shit!! No. Ayokong makain ng buo nung terror naming Professor sa Biochem.
Hindi ako mapakali habang nakikisilip din sa bintana at nag-aayos ng magulo kong bun.
As a nursing student, sanay akong sobrang malinis at maayos ang buhok at damit ko. Pero kung titignan mo ngayon, gusot ang white uniform ko and naging messy bun ang buhok kong dapat maayos lang.
"Kuya bababa na lang ako tsaka maglalakad! Pakisabi kay dad pasundo na lang po ako mamayang 3pm sa school," sigaw ko kay kuya Archie sabay labas sa kotse.
7 minutes na lang, malelate na talaga ako. Daig pa naman estudyante nung prof kong yon sa sobrang aga kung dumating.
No please. Not now.
Huminga ako ng malalim at hinanda na ang sarili ko para sa mabilis na pagtakbo. I'm not athletic. I hate sports. I hate running. Kahit nga maglakad, ikinakapagod ko na.
I run as fast as I think I can. Hindi parin umaandar ang mga sasakyan and nastuck parin sa traffic si kuya Archie.
"Happy birthday talaga self- shit!" naputol ang pagrereklamo ko nung madapa ako habang tumatakbo.
"Ugh!!! Ang init na nga, naglalakad pa, late pa!" reklamo ko kahit na sarili ko lang naman ang kausap ko. I can feel na sa loob ng mga kotseng nastuck sa traffic, nasa sa akin sila nakatingin.
"Get in."
tumingin ako sa driver ng motor na biglang nagstop sa may gilid ko. Sa kabila kasi ng traffic, nakakasingit pa ang mga motor na ganito.
"Excuse me?" pabarang ko pang tanong. Base sa uniform niya, alam kong pareho kaming nag-aaral sa iisang university pero hindi ko siya makilala dahil natatakpan ng mamahaling helmet ang mukha niyang sana, gwapo.
All I can see right now is his broad shoulders and manly arms. The rest ay natatakpan na ng uniform. Sayang.
"I said get in. Pareho tayong male-late kung magtatanong ka pa," sambit niya sabay hila sa braso ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang humangkas sa motor niya. Binigyan niya rin ako ng isa pang helmet na sakto naman sa ulo ko. Kumapit narin ako sa braso niyang matigas at saka niya pinaharurot ang motor.
YOU ARE READING
Chasing the Truth
RandomHeira Amethyst San Diego, is a sweet and lovely woman who has a horrible past. Until one day, Kael Primo Santiago-a man from her past decided to appear and change her life. Together... Some truth unfolds... Some lies remain untold... but they will...